^

PSN Opinyon

‘Eddie’ sa mga proyekto ng gobyerno’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NAGLALABASAN na ang mga “Eddie” at asal “Eddie…ako.” 

Oo nga naman ilang araw nalang patapos na ang 2014. Siguradong nagkukumahog na sila sa  kanilang “livelihood” at fund raising activity para makalikom ng pondo para sa susunod na eleksyon. 

Sila ang mga pulitikong patay-gutom o “PG.” Nakikialam sa mga bidding, pagpili ng mga proyekto ng gobyerno at humihingi ng “padulas,” “lagay” o “porsyento” sa bawat proyekto sa kanilang mga balwarte.

 Mismong si Public Works Secretary Rogelio Singson, nabu-bwisit at nababanas na sa pilit pa ring panghihimasok ng mga kapalmuks sa mga bidding ng DPWH.

 Hindi na ito bago. Estratehiya ito ng mga tiwali at mali­likhaing inihalal sa pwesto na hindi pa nakukuntento. Sinasamantalang rumaket habang nasa kapangyarihan at nakaupo pa sa kanilang lalawigan o rehiyon.

 Kaya ang nangyayari minsan kahit aprubado na sa bidding ang proyekto sinasadya nilang pahirapan ang nanalong kontratista sa pagkuha ng mga permit at kaila-ngang dokumento o ‘di naman kaya ang mismong pondo sa deliberasyon sa Kongreso. 

Hindi kasi pumasa ang kanilang kaanak o “manok” na dapat nakakuha ng kontrata. Ang iipitin ngayon ‘yung malinis, nagsisikap at lehitimong pobreng negosyante. Ang tangi lang naman niyang kasalanan, siya ang nanalo.

 Nitong mga nakaraang araw, ibinuking ng ilang mga “insider” sa ahensya ang mga pulitikong pilit na nanghihimasok daw sa DPWH projects sa kabila ng kampanyang “Tuwid na Daan” ni Pangulong Noy Aquino.

 Nabanggit ang isang kongresista sa Bicol, ilang mga mi-yembro ng prominenteng political clan sa Western Mindanao at isang gobernador sa Cordillera Administrative Region.

 Sa ganitong mga iregularidad at anomalya, iisa lang ang patuloy na panawagan ng BITAG Live kay Juan at Juana Dela Cruz, bantayan ang mga inilulunsad at ilulunsad pang mga proyekto ng pamahalaan o ‘yung tinatawag na project, activities and programs (PAPS) sa inyong mga lugar.

Kasi kapag hindi ito nasilip, naamoy at nabantayan, nagkakaroon ng pagkakataon na mangurakot at magnakaw ang mga putok sa buhong pulitiko.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

 

 

vuukle comment

ABANGAN

CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION

EDDIE

JUANA DELA CRUZ

PANGULONG NOY AQUINO

PUBLIC WORKS SECRETARY ROGELIO SINGSON

WESTERN MINDANAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with