^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Checkpoint sa mga taxi

Pilipino Star Ngayon

MAGANDA ang naisip ng Philippine National Police (PNP) na paglalagay ng checkpoint sa Metro Manila ngayong panahon ng Kapaskuhan. Beinte kuwatro oras ang checkpoint. At ang isa pang maganda, hindi lamang mga motorsiklo (dahil sa riding in tandem) ang isasailalim sa checkpoint kundi pati na rin ang mga taxi. Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), paparahin ang mga pumapasadang taxi at tatanungin ang mga pasahero kung maayos naman ang drayber nito. Titingnan din ang loob ng taxi at baka may iba pang taong kasabwat sa panghoholdap.

Nitong mga unang araw ng Disyembre, sunud-sunod ang mga panghoholdap sa mga pasahero ng taxi at ang nagsasagawa ay mismong drayber nito. Mayroon pang pasahero na hinoldap na ay binaril pa sa mukha. Mabuti na lamang at nakaligtas ang pasahero.

Noong nakaraang linggo, isang mag-ina ang sumakay ng taxi sa NAIA Terminal 3 pero ilang minuto pa lamang nakalalayo sa airport ay hinol­dap na ang mag-ina. Kinuha ang kanilang cell phone at laptop. Halos nagka-trauma ang anak dahil sa panghoholdap. Tinutukan umano sila ng baril.

Mayroon pang pagkakataon na may kasama sa panghoholdap ang taxi driver. Ang kakutsaba ay nasa unahang upuan at nakasubsob doon kaya hindi nakikita ng pasahero. Pagsapit sa madilim na lugar ay saka magpapakita ang kakutsaba at hoholdapin ang pasahero.

Hindi naman sana ningas-kugon ang kampan­yang ito ng PNP. Nararapat paigtingin ito para maseguro ang kaligtasan ng mga pasahero lalo na ngayong marami ang nagsa-shopping. Huwag hayaang mabiktima ng mga masasamang-loob ang mga kawawang pasahero.

Kumilos din naman sana ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para mahuli ang mga isnaberong taxi drayber. Hindi naman lahat nang drayber ay isnabero at holdaper pero nasisira ang kanilang imahe dahil sa mga kasamang “bugok”.

 

vuukle comment

AYON

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

MAYROON

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

PASAHERO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

TAXI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with