^

PSN Opinyon

Fugitive

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

The Fugitive. Ito ang pamagat ng sikat na TV series noong 1960s na pinagbibidahan ni David Janssen. Na-remake ito na ginawang pelikula noong 1993 sa pangunguna ng tanyag na action star na si Harrison Ford. Ang kuwento ng The Fugitive ay tungkol sa isang kilalang doktor na napagbintangang pinatay ang sariling asawa at nasentensiyahang makulong. Habang papunta sa piitan ay naaksidente ang lulang sasakyan. Nakatakas ang doktor. Imbes na sumuko ay sinamantala nito ang pagkalaya upang hanapin ang tunay na killer ng asawa niya. Ito ang sentro ng istorya kasama na rin ang  pagtugis sa kanya ng mga awtoridad.

Dahil sa series at sineng ito, naging bahagi ng kultura natin ang salitang fugitive na ang pagkaintindi natin ay taong tumatakas upang takbuhan ang pananagutan sa batas. Gaya ng nasa istorya, isa itong nahatulan na at papatawan na ng parusa kung hindi lang sana nakapuslit.

Hindi malayo sa depinisyon ng batas ang paglarawang ginamit sa series at sa sine. Ayon sa ating mataas na Hukuman, ang isang fugitive ay taong, matapos ma-convict, ay tumakas upang takbuhan ang parusa. May pangalawang depinisyon ang batas: Taong matapos masampahan ng impormasyon sa korte ay tumatakas upang hindi matuloy ang paglilitis.

Sa pag-unawa ng batas sa salitang fugitive, kritikal ang intensyon ng akusado na takasan ang pananagutan.  Kailan nag-uumpisang gumana ang kapangyarihan ng Estado na pilitin kang humarap sa mga proseso ng batas? Oras na ika’y masampahan ng impormasyon sa korte matapos dumaan sa imbestigasyon sa piskalya. Dahil pagnasampahan ka na, obligado kang humarap sa Hukom. Kung hindi ka magpakita sa korte, maari ka nang ipakulong.

Subalit kapag nasa imbestigasyon pa lang ang kaso, hanggang imbita lang ang maaring gawin sa iyo ng piskal. Kung hindi ka sumipot sa imbestigasyon, nanganganib ka lang na hindi mapakinggan ang iyong panig. Walang parusa sa hindi pagsipot. Ang dahilan nito ay ang mabigat na garantiya sa Saligang Batas na sa lahat ng pag-uusig kriminal, ang mamamayan ay dapat ituring na walang sala hanggat hindi napapatunayan. Ang presumption of innocence ay haligi ng ating criminal justice system.

 

vuukle comment

AYON

BATAS

DAHIL

DAVID JANSSEN

GAYA

HABANG

HARRISON FORD

SALIGANG BATAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with