^

PSN Opinyon

Bakit alam ni mayor kung sino ang bumoto?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

SECRET balloting ang mga halalan. Kaya tanong ng isang mambabasa sa Leyte kung paano natitiyak ng “mayora” nila kung sino ang mga bumoto sa kanya o sa kalaban niya nu’ng 2013. Kasi, sa pamimigay ng relief goods pagkalipas ng Super Typhoon Yolanda nu’ng Nob. 2013, color-coded ang plastic bags. Pula at mas marami, mas mamahalin, ang laman ng pula, na ipinamahagi sa mga umano’y botante niya; asul at pipitsugin ang lulan ng bags para sa mga kalaban.

Maraming paraan para matiyak ni mayora kung sino ang pula at sino ang asul. Kung maaalala, sa precinct cluster/classroom nu’ng Election Day 2013, kailangang isuksok ng botante nang nakabuklat ang cardboard ballot sa slot ng PCOS. Merong dalawa o tatlong tao sa presinto ng uma-asisti sa botante para gawin ito nang tama. Isa o lahat sila ay maaring binayaran para sulyapan kung kaninong pangalan ng kandidato sa pagka-mayor ang kinulayan ang balloon, at ireport ito kay mayora. Tapos, minarkahan ni mayora ang listahan niya ng mga botante, na downloaded mula sa Comelec website.

Isa ring paraan ang pag-eespiya ng precinct ward lea-ders. Tungkulin ng mga ito alamin kung sino ang iboboto/ibinoto ng bawat isa sa 200 botante. Nalalaman ito sa pamamagitan ng “inosenteng” kuwentuhan at pag-aanalisa ng resulta ng halalan sa bawat presinto.

Hindi rin kataka-taka kung merong mayor na matagal na sa puwesto na palihim nagpakabit ng spy cameras sa kisame ng precinct cluster/classroom. Mula roon ay masisilip sa computer monitor, via wifi o Bluetooth, kung ano ang sinusulat ng mga botante.

Bawal lahat ito dahil nilalabag ang ballot secrecy. Pero ginagawa ‘yon ng mga politiko at mga galamay nila. Bawal din ang pagko-color code ng relief goods para sa kakampi o kalaban, dahil pagnanakaw ito.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

 

vuukle comment

BAWAL

BLUETOOTH

BOTANTE

COMELEC

ELECTION DAY

ISA

KUNG

SUPER TYPHOON YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with