^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Illegal drug trade sa Bilibid

Pilipino Star Ngayon

BILIBID or not pero inamin mismo ni Justice Secretary Leila de Lima na mayroong illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP). At hindi lamang inamin kundi kinikilala pa niya ang high-profile inmates na umano’y nagpapatakbo ng illegal na aktibidad sa Bilibid. Ayon kay De Lima, pinatatakbo ng mga drug lord ang kanilang negosyo sa pamamagitan ng cell phones. Na­ga­gawa umanong makapagpasok ng droga dahil sa pakikipagsabwatan sa mga personnel ng Bureau of Corrections (BuCor) at maging sa mga guwardiya. Mabilis ang pagtransact ng droga sa inmates dahil sa cell phones. Marami na uma­nong naipasok na cell phones sa loob dahil sa ka­lu­wagan ng mga guwardiya.

Hindi na nakapagtataka na sa mga susunod na araw ay mapabalita na may shabu laborato­ry sa Bilibid. Imagine, kung doon mismo sa loob lulutuin ang shabu, hindi na mahihirapang ipasok sapagkat dun na mismo ginagawa. Wala nang kahirap-hirap at basta na lamang idideliber sa mga bilanggong umorder ng shabu. Babatakin na lamang ng mga adik na bilanggo. Posibleng makapagluto ng shabu sa loob sapagkat kakutsaba ang mga opisyal ng BuCor. Lahat ay magtatakipan.

Ano naman kaya ang masasabi ni BuCor director Franklin Bucayo sa mga binulgar ni De Lima. Gumagawa na ba siya ng aksiyon? Nakakahiya ang sinabi ni De Lima na magsasagawa na ng crackdown sa mga personnel at guwardiya na nakikipagsabwatan sa mga inmate na drug lord. Kung may kahihiyan si Bucayo dapat magbitiw siya sa puwesto sapagkat hindi niya kayang linisin ang tanggapan na kanyang pinamumunuan. Noon pa, kontrobersiya na ang BuCor sapagkat maraming kabalbalang nangyayari sa loob. May pagkakataong nagkaroon nang pagsabog sa loob sapagkat may inmates na nakapagpasok ng granada. Noon, may mga maykayang bilanggo na nakakalabas ng selda at nakapapamasyal pa. May mga bilanggo rin na mistulang nagbabakasyon lang sa Bilibid.

Ngayo’y mabigat ang isyu sapagkat shabu na ang negosyo sa oblo. Bilibid or not.

vuukle comment

ANO

AYON

BILIBID

BUREAU OF CORRECTIONS

DE LIMA

FRANKLIN BUCAYO

JUSTICE SECRETARY LEILA

NEW BILIBID PRISON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with