^

PSN Opinyon

56th Anniversary at Grand Reunion ng FEULAA, bukas

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

TOMORROW evening ang invitation ni Atty. Biyong Garing, past President ng Far Eastern University Law Alumni Association (FEULAA), sa lahat ng mga may sapi este mali kasapi pala nila para magpunta at mu­ling magkita-kita, makipag-sosyalan, makipag-tsikahan, makipagkasiyahan at makipag-tsumibog sa kanilang 56th anniversary celebration at FEU Law Grand Alumni homecoming, dakong 7 ng gabi, sa Rigodon Hall dyan sa Manila Hotel.

Sinabi ni Atty. Garing,  ang panauhin pandangal at speaker nila ngayon 2014 ay si Atty. Juan de Zuniga, deputy Governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ayon kay Atty. Garing, huwag kalimutan na may ticket para sa floor show este mali okasyon pala ninyo na P2,000 each available sa venue.

Sabi nga, gayak na at pumunta sa 56th anniversary ng FEULAA... Kita - kits tayo bukas ng gabi!

Si Senator Bongbong Marcos at ang DSWD

INUPAKAN ni Senator Bongong Marcos sa earring este mali hearing pala ng national budger tungkol sa P3.12 billion funding ng DSWD na inilaan para sa training at scholarship ng departamento.

Birada ni Bongong,  “Bakit hindi ibigay sa Department of Education at Commission on Higher Education ang pondong ito?”

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Bongbong ang chairman ng Senate Committee on Local Go­vernment, kaya inuurirat niya ang pondo inilaga este mali inilaan pala sa DSWD dahil base sa track record ng ahensiya this year ‘napakasama ng personal services, maintenance, other operating expense, capital outlays at even for cash grants.

Naku ha! Ano ba ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, napakunot ng noo si Bongbog kung bakit naging P3.2 billion ang inilaan pondo nito sa 2015 para sa training at scholarship gayun P650 million lamang ngayon taon.

Tinirya ni Bongbong, ang hotraba ng DSWD ay para tumulong na maibsan ang kahirapan ng madlang people at sakop naman ng DepEd at CHED ang pagbibigay ng scholarship sa mga karapat-dapat na pagbigyan.

Tama ba, DSWD Secretary Dinky Soliman, Your Honor?

Ibinida ni Bongbong, ‘the DSWD’s mandate is on poverty alleviation. DepEd’s and CHED’s mandates are more direct and more related to scholarships.’

Sabi nga, ang mga “sustainable livelihood program” naman diumano ay dapat ilagay sa DOLE at TESDA at hindi sa DSWD.

Abangan.

Sugalan sa Balayan, Batangas

NAKIKIUSAP sa mga awtoridad ang mga magulang ng mga batang mag-aaral dyan sa Balayan, Batangas, na hulihin o ipatigil ang ‘video karera’ operation ng isang alyas ‘maitim’  na inilatag nila sa iba’t-ibang lugar para enganyuhin ang kanilang mga anak na magsugal na lamang at kalimutan na ang pag-aaral.

Isinumbong ng mga reklamador sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na adik na sa sugal ang ilang mga kabataan dito dahil 24/7 ang video karera operation kaya marami ang halos hindi na natutulog basta makapag-sugal lamang.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, imposibleng hindi alam ng mga burongoy kawatan at mga pulis sa Balayan ang inilatag na video karera kaya nagtataka sila kung bakit parang mga bulag, bingi at pipi ang mga ito pagdating sa operasyon ng illegal gambling.

‘Ano kaya ang ginagawa ng kanilang Alkalde bakit hindi ito ipahuli at kumpiskahin ang mga makina ng video karera at pagkatapos ay durugin ang mga ito.’ sabi ng kuwagong hindi napartihan.

Abangan.

vuukle comment

ABANGAN

ANO

AYON

BALAYAN

BANGKO SENTRAL

BATANGAS

BONGBONG

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with