^

PSN Opinyon

‘Kapag sobra ‘di uubra’

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

MAHILIG magluto at kumain ang mga Pilipino. Nagkalat ang mga piyesta at handaan buong taon. Kaunting kibo ‘Kainan na!’.

Sa darating na kapaskuhan, maraming masasarap na pagkain ang siguradong nakahain sa ating hapag. Mahirap pigilan ang sariling kumain. Walang kaso kung ang kakainin natin ay tama lang, pero kung ito ay sobra, makakasama ito sa ating kalusugan.

Ang mga pagkaing mamantika tulad ng litsong baboy at litsong manok ay mga pagkaing mataas sa kolesterol.

Ito ang mga pagkaing dapat iwasan ng mga taong may sakit sa puso tulad ni Belen Blanca, 80 taong gulang, may sakit sa puso at high blood.

“Kapag hindi ako nakakainom ng gamot, parang umiikot ang mundo ko. Kaya isang beses non nagpadala na ako sa hospital dahil sa dalas ng pagsumpong nito,” kwento ni Belen.

Dagdag pa niya matinding pananakit ng katawan ang kanyang nararanasan. Dahilan para hindi siya makakilos nang maayos.

Ilang beses siyang nagpatingin sa doktor at pinainom ng iba’t ibang gamot ngunit hindi umano siya nakaramdam ng kaginhawaan mula sa mga ito. Kaya naman nung huling insidenteng na hospital siya ay nag desisyon na lamang siyang magpauwi sa kanilang bahay upang doon na lamang magpagaling.

Nang mabalitaan ni Belen ang tungkol sa isang food supplement na nakakatulong umano sa mabilis na paggaling ng mga karamdaman. Nagpabili kaagad ito sa kanyang anak.

“Nagpahanap talaga ako ng pera sa aking mga anak, upang makabili  at para masubukan ang King’s herbal na iyon,” ani niya.

Ganito rin ang ginawa ni Wilfredo Perez nang mapanood niya sa telebisyon ang tungkol sa magandang dulot ng herbal na ito sa kalusugan.

“Inutang ko lang yung pera na ipinambili ko nung isang bote,” wika niya.

Si Wilfredo ay may sakit na kanser. Nitong Oktubre lamang, naramdaman niya ang muling pagsumpong na kanyang karamdaman. Unti-unting bumaba ang kanyang timbang. Nagmula sa 75 kilos, bumaba sa 70 kilos hanggang sa naging 63 kilos na lamang.

“Nang dahil sa sakit ko, hindi ako makatulog nang maayos. Pabiling-biling ako at kaunting lakad lang ay pagod na pagod na ako,” pagsasalarawan niya.

Ganito rin ang pinagdadaanan ni Benjamin Amotorio, 85 taong gulang at may prostate cancer.

Matinding pananakit rin ng katawan ang kanyang iniinda at hindi ito maka-ihi nang maayos dahil dito.

“Maraming hospital na ang aking napuntahan at komunsulta na rin ako sa maraming doktor pero hindi pa rin nila ako mapagaling,” wika niya.

Malapit na siyang mawalan ng pag-asang gumaling nang mabalitaan niya ang kwento ng isang kakilala na tinanggihan na ng mga doktor at ang naging takbuhan ay ang REH King’s Herbal ni Ka Rey Herrera.

to ay umano ay isang food supplement na naglalaman ng maraming bitamina mula sa mga nilagang ugat ng iba’t ibang medicinal plants. Ito ay iniinom nang tatlong beses sa isang araw pagkatapos kumain.

“Nang marinig ko ang kwentong iyon, bumili kagad ako ng King’s Herbal at sinimulan ko na ang pag inom,” ani Benjamin.

Kwento pa niya, hindi pa niya nauubos ang isang bote ay nakaramdam na siya ng pagbabago sa kanyang katawan. Hindi na siya nahirapang umihi, naging masigla siya at nawala ang pagkirot ng kanyang kalamnan.

Kapareho rin ng resulta ng kay Belen, nawala umano ang pananakit ng kanyang katawan, nakakabangon at nakakalakad na rin siya nang hindi na nahihirapan.

“Nagpabili pa ulit ako sa aking mga anak. Ito lang pala ang mabilis na makapagpapagaling sa akin,” kwento niya.

Mahimbing na tulog naman at malakas na pangangatawan ang naging resulta kay Wilfredo. Simula umano nung uminom siya noon ay nakakapag-commute na ulit siya, at hindi na siya madaling mapagod.

Ang pagkain ay isa sa mga pangunahing kailangan natin upang mabuhay. Kumakain tayo para mayroon tayong lakas sa buong araw, makapasok tayo sa eskwelahan o makapagtrabaho. Pero lagi nating tatandaan na ang sobra ay masama.

May mga sangkap ang mga pagkain lalo na ang mga processed food ngayon na nakakasira sa ating katawan. Kaya naman mahalaga na kakain lamang tayo ng masustansiyang pagkain upang mabigay ang kailangan ng katawan at  maiwasan natin ang mga malulubhang sakit.

Kapag nakakita ka ng bote ng REH king’s herbal nakapaskil doon na meron umano itong mga bitamina tulad ng Vitamin A, Vitamin C, at mga mineral tulad ng Calcium, Iron, Magnesium at Potassium.

Para sa mga nais magtanong sa iba pang detalye tungkol sa REH King’s Herbal maaari niyo silang matawagan sa numerong 225-2025 o magtext sa 09087766666 at 09278888368.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol dito maaari po kayong dumalo sa kanilang seminar tuwing Sabado alas-dos ng hapon sa kanilang tanggapan sa #603 R&J bldg., Quirino Highway, Bagbag, Novaliches doon ay makikita niyo si Ka Rey Herrera ang taong nasa likuran nitong herbal supplement. Maaari ring bisitahin ang kanilang facebook page i-type lang ang [email protected].

(KINALAP NI I-GIE MALIXI)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854.  Landlines 6387285 / 7104038.

Ugaliing makinig ng CALVENTO FILES sa radyo, ang “Hustisya Para Sa Lahat” Lunes-Biyernes, 3:00PM-4:00PM at Sabado 11:00AM-12:00NN. Ang programang “PUSONG PINOY” na umiere naman tuwing Sabado, 7:00-8:00AM at makinig rin kayo ng programang “PARI KO” tuwing Linggo. Mula 9:30-10:30PM kasama sina Fr. Jojo Buenafe, Fr. Jason Laguerta at Fr. Lucky Acuna dito lang sa DWIZ882KHZ, Am Band.

vuukle comment

AKO

BELEN

NANG

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with