^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ihanap nang tunay na kalaban si Pacman

Pilipino Star Ngayon

NAGING mabangis si Manny Pacquiao sa pakikipaglaban kay Chris Algieri ng US noong Linggo sa Macau. Sa katunayan, anim na beses bumagsak o bumalentong ang wala pa raw talo na si Algieri. Babaliktad nga siya sapagkat hindi niya kaya ang mga suntok ni Pacquiao. Hindi rin uubra ang estilo niyang mabagal magpakawala ng suntok na naging dahilan para rapiduhin siya ng Pilipinong champion. Walang ginawa si Algie­ri kundi ang tumakbo-takbo para hindi abutan nang kaliwa ni Pacquiao. Mas mabilis siyang tumakbo kaysa sumuntok. Nakalimutan yata ni Algieri na boksing ang propesyon niya at hindi takbuhan. Sa madaling salita, hindi match ang laban. Hindi katapat ng mabangis na leon ang takbuhing usa.

Kung ganito nang ganito ang magiging kalaban ni Pacquiao, hindi pa rin siya makakabawi sa pagkatalong nakamit niya sa nakaraan gaya ng laban niya kay Juan Manuel Marquez noong Disyembre 8, 2012. Kahiya-hiyang pagkatalo sapagkat humalik siya sa lona. Hanggang ngayon, ang pagkatalong iyon ay hindi makakalimutan ng sambayanan. Kahit na maraming panalo at nagbigay ng karangalan sa bansa si Pacquiao, ang nakikita ay ang kanyang pagkatalo. Kaya mas nais ng sambayanan na ang makakalaban niya ay bigating boksingero rin na kasingtapat din niya ang bilis at lakas ng kamao.

Hindi uubra ang katulad ni Algieri na halos takot sumuntok. Mas masisiyahan ang taumbayan kung ang makakatapat ni Pacquiao ay katulad ng mga boksingerong sina Marquez at Morales na walang patawad sa pakikipagpalitan ng suntok at hindi takbuhin. Mas gusto ng mamamayan na ang makakalaban ng Pinoy champion ay luma­laban nang sabayan.

Ihanap nang katapat si Pacquiao sa mga susunod niyang laban. Huwag sa pipitsugin. Kung maaari, isabong na siya kay Floyd Mayweather Jr. o makipag-rematch kay Marquez. Sa mga laban na iyan makikita ang tigas ng Pinoy champ.

vuukle comment

ALGIERI

CHRIS ALGIERI

FLOYD MAYWEATHER JR.

JUAN MANUEL MARQUEZ

MARQUEZ

PACQUIAO

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with