^

PSN Opinyon

Nagbago na sana

PILANTIK - Dadong Matinik - Pilipino Star Ngayon

Sana ay wala na ang dusa ng bansa

sa rehimeng Pnoy mga katiwala;

tayong Pilipino bata at matanda

sa taong papasok dapat ay masaya!

 

Sana sa pagdating buwan ng Disyembre

sa mga tahana’y pumasok ang swerte;

walang mga pulis na dumidiskarte

na nagpapatrulya’y daming dinadale!

 

Sana sa pagsapit ng Pasko at New Year

sa lahat ng dako’y mura ang bilihin;

ubas at mansanas presyo’y mababa na rin

mga maralita’y payapang mag-aliw!

 

Sana bigas natin bigas na totoo

walang halong ‘feeds’ at ibang perwisyo;

ito ay malinis sariling produkto

mabango’t sariwa pag sinaing ito!

 

Sana na ay wala nang gulo sa Zamboanga

itong si Misuari sana’y napiit na;

kababayan nating doon ay nagdusa

wasak na tahanan sana ay bago na!

 

Sana ay wala ng mga pulitiko

na maraming perang dito’y nadispalko;

parusa ng langit ay ating natamo

malakas na lindol at Yolandang bagyo!

 

Sana ay wala nang mga magnanakaw

mga durugista at mga kriminal;

sana ang hustisya mabilis gumalaw

upang masasama’y agad na mabitay!

 

Sana magbago na ating gobyerno

masasamang tao’y alisin sa pwesto;

mga  nagpayaman, mga abusado

huwag nang litisin bitayin na ito!

vuukle comment

DISYEMBRE

MISUARI

NEW YEAR

PASKO

PILIPINO

PNOY

SANA

YOLANDANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with