^

PSN Opinyon

Wala nang silbi

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

AYON sa PNP, alam nila na kahit nasa loob na ng New Bilibid Prisons(NBP), nagpapatuloy pa rin ang  “drug lords” sa kanilang gawaing kriminal. Hindi balakid sa “pag-nenegosyo” ang nakakulong na mga pinuno ng mga sindikato, baka nga mas nakakatulong pa sa kanila. Alam nila na ang lahat ng nasa loob ng NBP ay kasangga nila kaagad sa krimen. Nangako naman si Sec. Leila de Lima na gagawin ang lahat para maisaayos ang pagpapatakbo ng NBP bilang kulungan, at hindi kuta ng mga kriminal.

Ang layunin ng bilangguan ay rehabilitasyon ng mga nahatulang kriminal. Kaya nga sila nakakulong at nakahiwalay sa lipunan ay dahil hindi na sila bahagi ng isang maayos na lipunan. Ang pagkakabilanggo ay paraan para mabago ang mga ito, at kung magiging matagumpay, maibabalik sa lipunan. Pero kung mas laganap pa ang krimen sa loob ng institusyon na ang layunin ay rehabilitasyon at pagbabago, ano pa ba ang silbi nito? At kung alam pala ng PNP ang mga nagaganap o nagpapatuloy na kriminal na aktibidad, ano pala ang ginagawa nila para mahinto o masugpo ito?

Siguro naman kilala nila ang mga “drug lord’ na iyan, kung alam nila na aktibo pa rin. Bakit hindi ihiwalay na kaagad mula sa NBP at ilagay na lang sa isang lugar kung saan hindi na sila makakanegosyo? Lumalabas tuloy na isang malaking kabiguan ang NBP para sa lipunan, dahil hindi naman pala nagbabago ang mga kriminal sa loob! Maling pagkabigo rin ang buong sistema ng pagpapatakbo ng NBP. Kung ang sinasabi ng PNP ay nabibili ang maraming mga guwardiya kaya buhay ang pagkilos ng iligal na droga sa loob, pati na rin sa labas ng NBP, bakit hindi palitan ang mga guwardiya?

Nakakailang palit na ng direktor ng NBP, dahil hindi matanggal-tanggal ang kriminalidad sa loob pero walang pagbabago. Banggitin ko na rin ang mga VIP na tila hari kung mamuhay sa loob. Kung hindi na epektibo ang NBP, kailangan na itong isara at humanap ng bagong paglalagyan ng mga kriminal, na malayo sa Metro Manila. Kaya buhay ang mga kriminal na sindikato sa loob ay dahil ang pangunahing merkado nila, ang Metro Manila, ay napakalapit lang.

vuukle comment

KAYA

KRIMINAL

KUNG

LOOB

METRO MANILA

NBP

NEW BILIBID PRISONS

NILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with