^

PSN Opinyon

School bus drivers dapat paghigpitan

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

GAANO kaligtas ang ating mga anak sa school bus? Ang sagot sa tanong ay nasa banggaan ng dalawang school vans nu’ng nakaraang linggo sa Quezon City. Sampung bata ang nasugatan, pati ang dalawang dri-vers, sa salpukan sa madaling araw. Napag-alaman na bumabagtas sa perpendicular main roads ang dalawang vans nang magtagpo sa kanto, Imbis na magbigayan, nag-unahan ang dalawa at -- bang -- nagbanggaan ang mga harap.

Sa radio interview nagsisihan ang dalawang drivers. Pero pareho silang may kasalanan. Kasi pareho silang nagmamadali, kumakaskas.

‘Yan ang sakit ng school bus drivers: palaging nagmamadali, kumakaskas. Katwiran nila, kailangan ‘yon para maihatid ang mga bata sa school bago mag-bell. Kasi kung ma-late nang miski ilang minuto, malamang ay pagsarhan na sila ng school gates.

Kung tutuusin, kinukunsinti pa ng magulang ng mga bus riders ang pagkakaskas ng drivers. ‘Yun ang bina­bayaran nila nang buwanan -- ang makipag-unahan sa lahat ng sasakyan at sa school bell.

Kaya hayun, reckless magmaneho ang school bus dri-vers. Miski sa loob ng residential subdivisions kumakaskas sila, pinipinahan ang mga naninirahang nagdya-jogging sa madaling araw at mga aso na dumudumi sa kalye.

Dapat disiplinahin ng Land Transportation Franchi-sing and Regulatory Board ang school bus drivers at operators. Baguhin ang kanilang ugali na nakikipag-unahan sa kalye at walang pakundangan sa kaligtasan ng riders.

Nu’n lang Setyembre sa Buguias, Benguet, 12 bata at ang ama na driver ang namatay nang mahulog sa bangin. Ni wala siyang driver’s license o vehicle registration, pero nangahas mag-school bus.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

BAGUHIN

BENGUET

BUGUIAS

BUS

KASI

LAND TRANSPORTATION FRANCHI

QUEZON CITY

REGULATORY BOARD

SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with