^

PSN Opinyon

Kusang loob na pagbibitiw

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

NAG-UMPISANG magtrabaho si Nina sa CMC, isang kompanya ng damit, noong Enero 1990 bilang manage­ment coordinator. Matapos ang 10 taon, siya na ang con­signment operations manager at isa sa mga pangunahing namamahala sa operasyon ng kompanya.

Isa sa naging sistema ng kompanya ay ang pagbibigay ng cash advance mula sa neto ng benta ng mga supplier/consignor nito. Kailangan lamang na aprubahan ito ng bise presidente (AVP-Finance). May nangyari na isang supplier ang nagreklamo sa sunud-sunod na kaltas sa benta. Nang mag-imbestiga, lumalabas na humigit kumulang P500,000.00 ang nadispalko at  sangkot si Nina sa nasabing anomalya.

Noong Pebrero 7, 2000, nagbitiw sa trabaho si Nina. Sumulat pa siya ulit sa kompanya noong Pebrero 15, 2000 upang kumpirmahing muli ang kanyang unang sulat ng pagbibitiw sa tungkulin. Nagpasalamat pa nga siya sa CMC. Pagkatapos ay tumigil na siya sa pagpasok sa trabaho. Datapuwa’t nakikipagkita pa rin siya sa matataas na opisyales ng kompanya tungkol sa kaso.

Enero 13, 2003, nagsampa si Nina ng kasong illegal dismissal laban sa CMC. Ayon sa kanya, napilitan lamang siyang magbitiw sa trabaho upang unahan ang plano ng ilang nakatataas na opisyal na paalisin siya sa tungkulin upang hindi madawit ang mga ito sa anomalya. Ayon kay Nina, sinabi mismo ng AVP-Finance sa harap ng accounting manager na “Mag-resign ka na. Maiipit kami.” Dahil lang daw sa pagkalito at sa takot kaya siya napi­litang magsumite ng sulat na nagbibitiw sa trabaho noong Pebrero 15, 2000. Argumento ni Nina, kailangan munang patunayan ng CMC na kusang-loob ang ginawa niyang pagbibitiw at hindi siya tinakot upang gawin ito. Tama ba si Nina?

MALI. Dahil siya ang nagsumite ng sulat, obli­gasyon niyang patuna­yan na hindi kusang-loob ang ginawa niyang pagbi­bitiw sa trabaho.

Upang mapatunayan na tinakot o di kaya’y sa­pilitan ang kanyang pag­bi­bitiw, kailangan na: 1) ang pananakot ang tunay na dahilan kung bakit siya nagbitiw sa trabaho 2) ang ipinananakot sa kanya ay hindi makata­rungan; 3) ang banta sa kanya ay totoo at hindi basta kathang-isip la­mang 4) nabuo sa kan­yang isip na siya, ang kanyang pamilya at ari-arian ay kayang saktan o at sirain ng taong nana­na­kot sa kanya.

Sa kasong ito,  hindi sa­pat ang kanyang gina­wang paratang laban sa AVP-Finance upang ma­paniwalaan ng hukuman na sapilitan lamang ang kanyang pagbibitiw. Hindi siya isang ordinaryong kawani kundi isang ma­taas na opisyal ng kom­panya na hindi kayang basta na lang takutin upang magbitiw sa trabaho.

Ang pagbibitiw ni Nina sa trabaho ay boluntaryo o kusang-loob. Hindi siya pinilit o tinakot upang uma­lis sa trabaho. Pa­tunay dito ang kanyang unang sulat na petsa Pebrero 7, 2000 na ki­num­pirma pa ng panga­lawang sulat na petsa Pebrero 15, 2000. Nilala­man pa nga ng sulat ang kanyang pasasalamat sa kompanya kaya’t mala­bong manggaling ito sa isang empleyadong napi­pilitan lamang umanong magbitiw sa trabaho.

vuukle comment

AYON

DAHIL

NINA

PEBRERO

SHY

SIYA

TRABAHO

UPANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with