^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Daming nagugutom

Pilipino Star Ngayon

KAHIT kailan, hindi pa nagkaroon ng surbey na walang nagugutom na Pilipino. At hindi lang basta-basta ang dami ng mga nagugutom na Pilipino, milyon ang kanilang bilang! Kung sana ay kakaunti ang bilang --- halimbawa ay 1,000, maaari pang mapatawad, pero kapag milyong Pilipino na ang nagugutom, na­kakapag-isip na. Bakit maraming nagugutom gayung umaangat naman ang ekonomiya ng bansa. Nalalampasan pa nga raw ang ekonomiya ng mga katabing bansa. Noong 2012 nga, umangat ng 6.6 percent ang ekonomiya ng bansa. Ipinagmalaki pa ito ng Aquino administration. Ang pag-angat daw ng ekonomiya ay dahil sa mahusay na pamamahala ni P-Noy na nakatutok sa kanyang “daang matuwid” campaign. Maski ang International Monetary Fund (IMF) ay humahanga sa performance ng Pilipinas at positibong patuloy pang aangat at gaganda ang ekonomiya. Sabi pa ng IMF noong nakaraang taon, malalampasan pa ang natamong 6.6 percent noong 2012.

Pero bakit sa kabila ng pag-angat ng ekonomiya ay marami pa rin ang nakararanas ng gutom. Marami pa rin ang hindi kumakain ng tatlong beses sa isang araw. Marami pa rin ang kumakalam ang sikmura at hindi malaman kung saang kamay ng Diyos kukunin ang perang ibibili ng pagkain. Marami ang nagdarahop at mayroong nasisiraan na ng bait dahil walang mailaman sa kanilang nagrerebeldeng sikmura.

Sa pinakabagong surbey ng Social Weather Sta- tions (SWS), 4.8 milyong Pilipino ang nakaranas ng gu­tom at walang makain sa nakaraang tatlong buwan (Hulyo-Agosto-Setyembre). Ginawa ang survey noong Setyembre 26-29. Lumalabas na 22 percent ang nagsabing nakaranas sila ng gutom at walang makain. Mas mataas ito kumpara sa nairekord noong nakaraang Hun­yo na ang nakaranas ng gutom ay 3.6 percent lamang.

Pangunahing dahilan kaya may nagugutom ay dahil sa kawalan ng trabaho. Maraming jobless na Pinoy sa kasalukuyan. Hindi makalikha nang sapat na trabaho ang kasalukuyang administrasyon. Kulang na kulang sa pamamaraan at nakatutok lamang sa mga trabaho na iilan ang nakikinabang.

Bakit hindi nila paunlarin ang agricultural sector? Dito may pag-asa ang bansa. Kapag maunlad ang sector na ito, maraming malilikhang trabaho at walang magugutom. Hindi ba nila ito kaya? O kulang sa pagpaplano?

vuukle comment

AQUINO

BAKIT

DITO

DIYOS

INTERNATIONAL MONETARY FUND

MARAMI

PILIPINO

SOCIAL WEATHER STA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with