^

PSN Opinyon

Win solution sa ‘free parking’ ni Rep. Gatchalian

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HINDI pa man nagiging ganap na batas ay pumapalakpak ang madlang people kay Valenzuela Rep. Sherwin Gatcha­lian dahil gusto niyang itulak para maging batas ang libreng parking ng mga sasakyan sa mga parking space na mga customer ng shopping malls, hospitals at sa eskuelahan.

Si Gatchalian, ay naghain para kumain este mali ng House Bill No. 5099 o ang “Parking Fees Regulation Act’ kasi nga ang mga parking area ay isang bahagi para sa customer service ng mga shopping malls.

Ika nga, dapat libre!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, napulsuhan ni Gatchalian ang reklamo nang sangkatutak na mga motorista dahil masiadong mahal ang sinisingil na parking fees sa mga mall.

‘Dapat kapag may binili bagay sa isang mall kunwari P1,000 ang halaga hindi na dapat magbayad pa sa unang tatlong oras ng pagparada ng tsikot niya todits.’ sabi ng kuwagong maangas.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kapag may binili sa mall dapat hindi na pagbayarin para malamang ito dapat may ipakitang resibo sa car park attendant o cashier ang isang motorista pero iyong mga nagpapalamig, window shopping at nakikipag-eye ball lang sa loob ng shopping mall na may dalang sasakyan ay dapat magbayad sila.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, noon buhay pa si Senator Rene Cayetano erpat ni Allan ito ang kumakalampag kung bakit kailangan maningil ng parking fee sa mga malls ang mga may biniling customers nila gayon ang buhay nila ay doon sa mga mamimili at sa mga may tsikot.

‘Kung anuman ang nangyari sa ginawang pagkalampag ng matangadang Cayetano iyan ang hindi na natin nalaman.’ sabi ng kuwagong tuliro.

Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, kailangan mahinto na ang mataas na singil sa parking fee ng mga mall. Kailangan magkaroon matapang na batas para dito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang pinakamasama pa sa lahat nagbabayad ka na pero walang pananagutan kung ano man ang masira o mawala sa sasakyan mo habang nasa loob ng parking area.

‘Ano ang dapat?’ tanong ng kuwagong urot.

Sagot - bahala ang HB 5099 dito!

Abangan.

Binay hinamon si Trillanes

 

NAPIKA na si Vice President Jejomar Binay kaya hinamon niya ng one-on-one basketball este mali debate pala si Senator Antonio Trillanes IV the other day.

Bakit?

Sagot - dahil sa mga umano’y patutsada na pinagsasabi nito na walang katotohanan.

Sabi nga, politika lang ang dahilan?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang nasabing paninira raw ay para tuldukan ng kanyang mga kalaban sa politics si Binay para malaglag sa 2016 Presidential election na sa palagay ng mga nakakarami ay malakas na kandidato ito at mukhang hindi tatalunin?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pina­ringgan ni Binay ang kapalpakan ng gobierno sa tumataas na kriminalidad, mabigat na traffic, nakaambang krisis sa kuyente at problema sa mass transport.

Ika nga, lahat ng kapalpakan nangyari sa MRT, ang NAIA 1 ‘worst airport, hindi masolusyunan traffic sa Metro - Manila, port congestion ehcetera.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung anuman ang problema nila sa akin dapat sa korte kami magharap at doon nila ipakita ang lahat nang evidence nila laban sa akin.

‘Pero para sumuko ako sa kanila....never!’ sinabi ng kuwa­gong urot.

“Manalo kaya sa debate si Trillanes eh magaling na abogado si VP Binay?’

Kamote, iyan ang abangan natin.

vuukle comment

AYON

BINAY

DAPAT

KUWAGO

MISMO

ORA

PARA

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with