^

PSN Opinyon

‘Pinagnanasaang Judicial overreach’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

“PINAGNANASAAN” ni Pangulong Noy Aquino na tapyasan ang sumusobra na umanong kapangyarihan ng Korte Suprema bago matapos ang kaniyang termino.

“Judicial overreach” ang tawag niya dito o sobra-sobrang pagmamalabis daw ng hudikatura sa kanilang mga desisyon.

Ito ay tungkol pa rin sa pinag-iinitan at ikinabu-buwisit niyang pagdedeklara ng Korte Suprema na unconstitutional o ilegal ang Disbursement Acceleration Program (DAP).

Kaya naman, nahihikayat daw siya na isulong ang pag-amyemda sa Konstitusyon para mabawasan ang labis-labis na kapangyarihan ng Korte Suprema.

Oo nga naman, nasisira ang kamada ng ehekutibo at lehislatura. Inaakala yata nila na kaaya-aya at utang na loob natin sa kanila ang kanilang mga reporma. Hindi taumbayan ang may utang na loob sa inyo. Tulad nga ng nakakarinding sinasabi ng pangulo “Kami ang boss nyo!”

Anumang isyu na dinadala sa Kataas-taasang Hukuman para desisyunan kung constitutional o unconstitutional, legal o ilegal, nakabase sa Saligang Batas.

Sagrado ang Korte Suprema. Hindi pwedeng pakialaman. Hindi tulad ng mga nasa ehekutibo at lehislatura na utak-pulitiko. Nabibili ang kanilang prinsipyo at nasusuhulan para umayon at magbulag-bulagan.

Ganito ang ginawa nila sa umano’y tuta ni dating Pa-ngulong Gloria Arroyo na si dating Chief Justice Renato Corona. Pinatalsik sa kaniyang pwesto. Sinilip ang isyung Statement of Assets, Liabilities and Net worth o SALN. ‘Yan din ngayon ang isyu ng mga kaalyado ni PNoy. Mga tagong-yaman na pilit lang niyang pinipikitan.

Ang paniwala kasi ng presidente, pini-personal siya ng Supreme Court sa naging desisyon nila sa DAP. Na parang inggrata pa ang inilagay niyang chief justice dahil hindi pumabor ang desisyon ng SC sa kanilang kagustuhan.

Tulad ng matagal ko nang sinasabi sa aking progra-mang BITAG Live simula pa noong pumutok ang isyu ng DAP, anumang aksyon o hakbang na pinaggagawa ng pamahalaan kung hindi naaayon sa Saligang Batas, maituturing ilegal.

Ngayon, sinasabi ng Pangulong Aquino na handa daw siyang magpakulong kung papanagutin siya ng susunod na administrasyon sa kaniyang mga naging desisyon sa DAP.

Naninindigan ang presidente at mataas ang kaniyang kumpyansa na maidedepensa niya ito. Tama ang DAP. Kailangan ang DAP. Walang mali sa DAP.

Hindi man daw perpekto ang kaniyang mga naging desisyon, “well-studied” o masusi naman daw nila itong pinag-aralan.

Ganunpaman, may ilan pa ring mga naniniwala na tama ang mga ginawa at pinaggagawa ng pangulo.

Sa lahat ng mga pamumulitika at kaguluhang ito, kayo na ang bahalang bumalanse.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

 

 

 

vuukle comment

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

DAP

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

GLORIA ARROYO

KORTE SUPREMA

LIABILITIES AND NET

PANGULONG AQUINO

SALIGANG BATAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with