^

PSN Opinyon

Isulong ang CCTV sa pampasaherong sasakyan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MABUTI na lang at walang namatay sa naganap na hostage-taking ng isang bus na galing Tuguegarao, Cagayan. Isang pasahero na sumakay sa Cauayan, Isabela ang nanutok sa pasahero ng bus sa NLEX at sinabing hostage na sila. Rumesponde ang pulis sa tumigil na bus sa Sta. Rita tollgate. May ilang nakatakas na pasahero, pero nang maging peligroso ang sitwasyon, sumugod na ang mga pulis. Dalawa sa kanila ang sugatan dahil sa pakikipag-agawan ng kutsilyo. Malinaw na tila wala raw sa sarili ang nang-hostage, indikasyon na baka naka-iligal na droga. Nagsisisigaw nga nang hulihin ng mga pulis. Isang insidente na naman ng salot na dulot ng iligal na droga sa bansa.

Ilang panghoholdap sa mga pampublikong bus ang naganap na rin. Kaya isinusulong na ang obligadong paglalagay ng mga CCTV sa mga pampasaherong bus. Ang sumasakay na publiko mismo ang humihiling nito. Matagal na raw ginagawa ito sa ibang bansa, para nga sa seguridad ng mga pasahero. May ilang kumpanya na rito ang naglagay ng mga CCTV, kaya magagawa talaga ito. Isama na rin ang mga taxi. Pero siyempre, dahil dagdag na gastos ito para sa kumpanya, tiyak matatagalan bago sumunod lahat, kung sakaling isabatas na ang panukala. Dapat may ugnayan ang LTFRB, LTO at MMDA sa pagpapatupad nito, kung maging batas na.

Kapag may CCTV, mas mapapabilis pa ang pagresponde ng pulis, kapag may nagaganap nang krimen. Mas may impormasyon sila kaagad, tulad ng bilang ng mga kriminal, anong armas ang dala at iba pa. At sa akin lang, bukod sa mga CCTV na nakikita, maglagay rin ng CCTV camera na hindi pansinin. May panlaban na rin kasi sa mga CCTV tulad ng mga sumbrero, o ang pag-iwas sa kamera. Kung may mga CCTV na hindi alam, mas makukunan ang mga mukha ng kriminal.

Kailangan laging angat ang mga otoridad, pati na rin ang publiko, sa mga kriminal. Ibang klase na rin ang kriminal ngayon. Walang takot, kahit may CCTV pa. Kahit umaga o tanghaling tapat, gagawa ng krimen. Dapat mas lamang lagi ang otoridad sa krimen. Sa teknolohiya, sa tauhan, sa kagamitan. Mas magandang mapigilan ang krimen, kaysa lutasin.

vuukle comment

CAUAYAN

CCTV

DALAWA

DAPAT

IBANG

ILANG

ISABELA

ISAMA

ISANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with