^

PSN Opinyon

Si Rep. Albano at ang marijuana

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

GUSTO ni Isabela Rep. Rodito Albano III, pag-usapan muna ng masingganan este mali masinsinan sa Kongreso at sa mga doctor ang kanyang ‘Marijuana Bill’ para mapagdebatihan ang ligtas, kontrolado at pakinabang na magamit ang marijuana dahil malaking bagay ito sa madlang people na may mga sakit?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Albano ang actor este mali author pala ng House Bill  4477 o Compassionate Use of Medical Cannabis Bill na mahigpit na tinututulan nang ilang grupo ng mga doctor.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang HB 4477 ni Albano ay naglalaman ng napakahigpit na mga probisyon para matiyak ang kaligtasan ng mga pasyente sa paggamit ng medical marijuana.

Ika nga, para maging ‘high?’ Hehehe!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mabisa raw ang paghithit ng ‘damo’ lalo’t ito ay gagamitin lamang ng itinataguyod ang ligal na paggamit ng medical marijuana sa mga pasyenteng merong malubhang sakit.

Ayon sa impormasyon ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dehins itinataguyod ng panukalang-batas na ito ang paggamit ng marijuana para sa recreational purposes.”

Sabi nga, busisiin munang mabuti bago ito hugasan este mali husgahan pala!

Ibinida ni Albano sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na merong mahigpit na probisyon sa panukala sa pagggamit ng medical marijuana para hindi maabuso at makapaminsala sa pasyenteng ligal na pinapahintulutan ng doctor na gumamit nito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mahigpit na panuntunan ang pagpapagamit sa marijuana sa panggagamot dahil pinapayagan lang ito sa mga pasyenteng merong napakalubhang sakit.

‘May doctor’s prescription kaya sa isang pasyente na may malulubhang karamdaman ang gagamit nang marijuana?’ tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

“Paano kung gamitin ito ng mga adik - adik?’ tanong ng kuwa­gong dupang.

‘Kaya nga dapat munang pagdebatihan ito sa Kongreso bago gawin batas, Kamote!’

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sinasabi naman ng ilang grupo ng mga duktor lalo na ng Philippine Medical Association na, bagaman naiintindihan nila na ilang pasyente ang maaaring makinabang sa ligalisasyon ng medical marijuana,  ang pagtutol nila sa panukalang-batas ay bahagi ng kanilang moral at ethical responsibility na tiyakin ang kaligtasan ng mga pasyente.

Birada ni Albano, ang debate sa medical marijuana ay dapat nakatuon sa kahalagahan nito bilang gamot kasabay ng pagsasabing siya mismo ay tutol sa anumang anyo ng pag-abuso sa paggamit ng marijuana tulad ng pot session at iba pang iligal na layunin.

Abangan.

Sibakan blues sa NAIA napipinto

ITSINISMIS sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na malamang magka-sibakan sa Ninoy Aquino International Airport oras na i-privatized ang paliparan sa mananalo private company sa subastahan blues na gagawin para mamahala sa operation, maintenance at redevelopment ng paliparan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, marami ang nangangambang mawalan ng trabaho kaya naman naghahanda ang ilan sa maaaring mangyari sa kanila.

Ika nga, ipaglalaban daw nila?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi lahat ng empleado sa NAIA ay taga - gobierno na civil service eligible may mga pribadong empleado rin ditong nagta-trabaho tulad ng mga taga - airlines, security guard, general services at ang karamihan sa kanila ay hindi naman eligible.

Ika nga, ang mga empleado ng MIAA na bukod sa regular employees ay civil service eligible pa!

Kaya paano ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, apat ang interested bidders ito ang International Technical Assistance Consultants, Pinsent Massons LLP,  Ernst & Young at Nathan Associates Inc.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, itutulak ang proyekto bago matapos ang termino ni P. Noy sa 2016 kaya malamang baka sa 2015 kung plantsado na lahat magkaroon ng signing sa magtatagumpay?

‘Matutuloy kaya ang pinag-uusapan natin sa itaas?’ tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Bakit hindi?

‘Mag - eleksyon sa 2016 baka magiba ang partido ng administrasyon oras na ilarga ito?’ Hehehe!

Abangan.

 

vuukle comment

ASSET

AYON

KUWAGO

MARIJUANA

MISMO

ORA

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with