^

PSN Opinyon

‘I Do’

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

SA MGA MAGKARELASYON ano ba ang unang iniisip nila kapag duma­ting na ang takdang panahon na gusto nilang mag-asawa? Isang magarbong kasal…konting pera pang puhunan…isang bahay kung saan pwede silang bumukod sa kanilang magulang at kani-kanilang pamilya para makapagsimula at matutong tumayo sa sariling sikap.

Isang programa sa telebisyon ay tinugunan ang pangrap na ito. Ang ABS-CBN (kung saan ang anak ko ay isang manunulat) ay nagsimula ng isang ‘romantic reality show’ na ‘I do’.

Ang mga ‘creative director’ ng higanteng istasyon ay namili ng magho-host nito na isang ‘celebrity’ na matatawag mong wholesome, successfully married at kailanman ay hindi nasangkot sa eskandalo o intriga.

Akmang-akma ang batikang aktres na si Judy Ann Santos-Agoncillo dito. Sila ng kanyang asawa na si Ryan ay modelong magkapareha at ilang taon na rin namang walang problema sa kanilang pagsasama. Kaya naman ang palabas na ito ay isa sa top rater sa Primetime Bida ng Channel 2.

Sa palabas na ito may siyam na magkarelasyon na ipapasok sa isang espesyal na village sa Cavite. Sila yung hindi pa nagsasama sa iisang bahay.

Sasailalim ang mga kalahok sa ‘love session at counselling’ sa tulong ng mga eksperto. Kailangan din nilang harapin lahat ng pagsubok na titimbang kung gaano katibay ang kanilang relasyon.

Bawat linggo mababawasan ng isang pares ang nasa loob ng village hanggang sa isang pares na lang ang matira. Ang mananalo ay makakatanggap ng premyong isang milyon piso, engrandeng kasal at bahay at lupa.

Para sa akin ay magarbong kasal na kung tutuusin ay isang araw lang magaganap. Oo nga’t maraming alaala sa pamamagitan ng mga litrato, video at iba pang memorabilia ang maaring balik-balikan.

Ang pera naman, kapag hindi marunong hawakan ay mabilis mawala, gaano na lamang ang isang milyon sa mga araw na ito?

Ang bahay para sa akin ang pinakamagandang premyo sa tatlong ibibigay ng ‘I Do’.

Hindi lamang matitirhan ito nung mag-asawa at kanilang mga magiging anak, subalit ito ay mas tataas ang halaga sa pagdaan ng panahon. 

Isang korporasyon ang magbibigay ng pagkakataong ito sa bagong kasal. Ito ay ang Property Company of Friends, Inc., o mas kilala sa tawag na PROFRIENDS.

Mula sa maunlad na probinsya ng Cavite, napagpasyahan nilang magtayo ng mga bahay na moderno at maganda sa iba’t-ibang lugar sa Cavite.

May labing limang taon nang gumagawa ng tahanan ang PROFRIENDS upang matulungan ang ilan na mabago ang kanilang buhay. 

Taong 1999 nang magsimula sila sa paggawa ng mga bahay na abot-kaya ng mga Pilipino. ‘A trusted partner in building homes and communities that transforms lives’ ang kanilang layunin.

Nagsimulang matanto ng PROFRIENDS ang misyong ito nang simulan nila ang pagtatayo ng bahay sa probinsiya ng Cavite. Kalaunan mas lumawak na ang ginagawa ng PROFRIENDS.

Kabilang na dito ang paggawa ng townhouses at ‘single detached units’. Sa pagiging matagumpay ng kanilang mga proyekto nagpatuloy sila sa paglago at sa komunidad naman ng Iloilo nagtayo, ang Parc Regency Residences at Monticello Villas.

Ang proyekto sa Cavite, Lancaster ngayo’y nagbibigay ng maayos na pamumuhay sa mga pamilyang karapat-dapat magtamasa nito. Sa kasalukuyan ang PROFRIENDS ay may labing isang proyekto sa labinglimang nangungunang komunidad.

Kasama dito ang proyektong ‘condominium’ sa Quezon City na akma sa mga batang propesyunal at pamilya sa gitna ng New Manila at Greenhills, ang Illustrata Residences.

Ang mga taong naghahanap ng matitirhan ay tinitingnan din kung tahimik ang lugar. Kung ito ba ay ligtas para sa kanila at kanilang mga anak.

Malapit ba ito sa kanilang trabaho at ang pinakamahalagang nakakaengganyo sa mamimili ay ang disenyo ng bahay.

Si Karen Peñaflor na may matatawag ng sariling bahay sa lugar ng Carmona Estates ay ipinagpapalagay na malaki itong milestone. “Kasama namin dati ang mga magulang ko noon kaya sobrang saya ko na nakabukod na kami ngayon. Iba ang pakiramdam kapag may sarili ka ng bahay,” pahayag ni Karen.

Ang pagsasarili nilang ito sa buhay ay may pagsaalang-alang kung bakit napili nila ng kanyang asawa ang Carmona Estate.

“Sa totoo lang tiningnan din namin ang Lancaster (New City) pero malayo ito sa mga magulang ko. Nakatira lang sila sa San Pedro, Laguna kaya’t mas malapit ito doon,” dagdag ni Karen.

Maging kay Mil-Rose Cacatian ay malaking bagay din ang layo o lapit ng lugar. “Malapit lang naman yung SLEX, kapag nagta-trabaho, okay naman.  Di siya gaanong traffic.  Tahimik. Nagustuhan namin agad yung lugar,” wika ni Mil-Rose.

Ang estratehiko ng lugar ng proyekto ay malaki ang pagkatawan para kay Juvil Dunganon na nakatira sa  Monticello Villas sa Pavia, Iloilo.

Para naman sa magkarelasyon na sina Edwin at Eva Jerez na naninirahan sa Parc Regency Residences. Ang layo ng kanilang bahay sa ilang ‘various points ng locator’ ay dagdag na dahilan.

Ang Parc Regency Residences at Monticello Villas ay nasa maginhawang lugar dahil ito’y malapit sa mga paaralan, ospital at klinika, bangko, komersiyal na establis­yamento at mga mapaglilibangan. Pareho rin itong malapit sa kalsada at paliparan.

Napahanga din ng mga gwardiya ang mga homeowners sa nasabing lugar. “Isang beses noong nakaraang taon dumalaw ako rito sa bahay namin.  May lumapit sa akin (at nagtanong) ma’am sino po kayo?” salaysay ni Peñaflor nang hindi siya mamukhaan ng gwardiya bilang homeowner. Ibig sabihin daw nito ay alerto ang mga gwardiya.

“Napakaganda ng seguridad ng lugar. Umiikot sila tuwing hating-gabi,” sabi naman ni Dolf Cordero, isang IT Corporate-GNOC Analyst na nakatira sa Ridgecrest Subdivision mula pa noong 2010

Nagtatrabaho siya bilang ‘call center agent’ kaya’t kampante siya kapag nakikitang rumuronda ang mga gwardiya tuwing dis oras ng gabi.

“Isa pa sa gusto ko ay ang pagpunta sa aming clubhouse dahil mayroong swimming pool. Nakakapagpahinga ako doon mula sa abalang mga trabaho ng nagdaang araw,” dagdag ni Dolf.

Ang maginhawang pamumuhay ang isa sa misyon na gustong ibahagi ng PROFRIENDS sa ating mga kababayan. Ilan lamang ang mga taong nabanggit na nasubukan na ito at hanggang ngayon ay naliligayahan na sa kanilang mga napiling lugar.

Ugaliing makinig ng aming programang “CALVENTO FILES” sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 2:30-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn).

(KINALAP NI CHEN SARIGUMBA) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038. Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

vuukle comment

BAHAY

CAVITE

ISANG

KANILANG

LUGAR

MONTICELLO VILLAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with