^

PSN Opinyon

‘Pangakong suporta sa call center industry’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

ISA sa mga dahilan kung bakit lumulutang ang ekonomiya ng bansa ang Business Process Outsourcing (BPO) o industriya ng call center.

 Noon pa man, sinasabi ko na ito sa aking programang sabay na napapanood at napapakinggan sa telebisyon at radyo na hindi nabibigyan ng atensyon ng kasalukuyang administrasyon. Ito ang industriyang nagpapapasok ng milyon-milyong dolyares sa bansa subalit matamlay at lamig ang pagtrato dahil hindi ubra dito ang patronage politics. Hindi maaaring panghimasukan ng pulitika, walang mga “patron” na pulitiko dahil tumatayo itong independente.

Nitong mga nakaraang araw, ipinahayag ni Pangulong Noy Aquino ang suporta ng kaniyang gobyerno sa BPO.

Ito matapos matanghal ang Pilipinas bilang global leader o nangunguna sa lahat ng bansa sa call center industry. Salamat naman at malamang, nakikinig sa BITAG Live ang Palasyo.

Pero kung tutuusin, noon pa dapat nagbigay ng suporta si PNoy sa industriya. Sabagay, may kasabihan nga na “Huli man daw at magaling… huli pa rin!” Sa panahon ni dating Pa-ngulong Gloria Arroyo, suportado ng kaniyang pamahalaan ang BPO. Dahil pumapangalawa ito sa manpower export o overseas Filipino worker na may kontribusyon sa ekonomiya, siya mismo dumadalaw sa mga call center establishment.

 Hindi siya ingrata. Nakikipag-kwentuhan at inaalam niya ang kalagayan ng mga manggagawa. Paraan niya ito para iparating ang pasasalamat ng gobyerno sa mga “bayani” sa sarili nating tahanan. Nawala ito nang pumalit na bilang presidente si PNoy. Hindi sa ikinukumpara natin pero hindi maiwasang maihambing ang dalawang presidente sa pagtrato sa nasabing industriya.

 Kung nagpahayag man ng suporta si PNoy sa BPO, ilan sa mga konsern na dapat una niyang tingnan at isaalang-alang ang kapakanan ng mga manggagawa. Sa aspetong kalusugan at karapatan ng mga nagta-trabaho dapat magkaroon ng aktibong adbokasiya at krusada ang Department of Health at Labor and Employment (DOH), (DOLE).

 Mabigyan ang mga batang bayani ng gabay upang hindi mauwi sa metabolic syndrome ang kanilang unhealthy lifestyle. Dapat ding masiguro na hindi sila naaabuso ng kanilang mga amo at sa kanilang pinagta-trabahuhan. Maliban dito, dapat gamitin ang pwersa ng Philippine National Police upang mapangalagaan ang kanilang seguridad. Dahil sila ang pangunahing biktima ng krimen lalo na ang mga umuuwi ng gabi at alanganing oras.

 Isa ang BITAG Live sa mga programa sa media na sumusuporta at sumasaludo sa magigiting na call center agents na nagpapapasok at sumasalba sa kaban ng bayan. Dapat ganito rin ang marinig, makita at maramdaman hindi lang ng mga manggagawa kundi ng buong industriya na pagtrato at pagpapahalaga sa kanila ng pamahalaan.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

 

vuukle comment

BUSINESS PROCESS OUTSOURCING

DAHIL

DAPAT

DEPARTMENT OF HEALTH

GLORIA ARROYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with