^

PSN Opinyon

Pribado o pampublikong sasakyan?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SARI-SARI na ang mga lumalabas na panukala para masolusyunan ang tumitinding trapik sa Metro Manila. May panukala na bawasan ng oras o lubusang ipagbawal ang pagbaybay ng mga pribadong sasakyan  sa mga pangunahing kalsada tulad ng EDSA, Quezon Avenue, Katipunan, Roxas Blvd. at iba pa. Dahil hindi naman nadadagdagan ang mga kalsada sa ngayon, at patuloy pa rin ang pagdami ng mga sasakyan, ito ang isa sa mga nakikitang solusyon. Natatandaan ko na ginawa na ito noon, partikular sa EDSA. May takdang oras kung saan puwedeng dumaan ang mga pribadong sasakyan. Naaalala ko kasi ang pagpila ng mga pribadong sasakyan sa may People Power Monument habang naghihintay ng oras para makabiyahe na ng EDSA. Naging epektibo ito noon, ewan ko lang ngayon dahil na rin sa dami ng sasakyan.

May panukala rin na ang mga pampublikong sasakyan naman ang ipagbawal sa EDSA. Totoo nga naman na kung saan may mga terminal ng pampublikong sasakyan, sanhi ito ng trapik. Hindi talaga kasi kaya ng mga drayber nito ang maging maayos sa kanilang pagsakay at pagbaba ng mga pasahero. Agawan, siksikan, singitan. Diyan sila magaling. Kaya dalawa o tatlong hanay ng kalsada ang nasasakop kung saan puwede sanang dumeretso ang ibang mga sasakyan. Sigurado magiging mainit ang debate kung sino ang dapat ipagbawal. May mga proyekto para dagdagan ang mga kalsada sa Metro Manila, tulad ng highway na magdudugtong ng SLEX at NLEX, para sa mga tumatawid lang ay hindi na dadaan ng EDSA. Pero kailan pa matatapos iyan, lalo na’t kailangan pang asikasuhin ang mga tatamaang tahanan o gusali ng proyekto.   

Pero huwag naman nilang kalimutan ang mga ibang mga kalsada. Maraming mga maliliit na kalsada na maha-laga pa rin sa pagbaybay ng mga sasakyan. Dito madalas nagkakagulo dahil wala namang traffic light at wala ring MMDA na magsasaayos ng trapik. Kapag bumara ang mga ito, aabot na rin sa mga pangunahing kalsada ang trapik. Minsan may MMDA pero kapag bumagsak na ang ulan, parang mga pusa na nawawala na lang.

Kailangan ding paigtingin ng MMDA ang pagtanggal ng mga balakid sa kalsada, tulad ng mga bulok na sasakyan, mga tindahan na umaapaw na sa kalsada, pati na rin mga basketball court na nagsisilbing balakid sa kalsada. Ipagbawal na rin ang pagharang ng mga kalsada dahil sa mga piyesta at kung ano pang dahilan. Lahat ito at dagdag lamang sa problema ng trapik, lalo na’t hindi naman kalakihan ang mga kalsada natin. Kung pababayaan lang ang mga ito, wala talagang mangyayari sa ano pang solusyon na maiisip. Parang kanal ng tubig din iyan. Kung gusto mong dumaloy ng maayos ang kanal, tanggalin lahat nang harang at ang basura.

 

vuukle comment

KALSADA

KUNG

METRO MANILA

PEOPLE POWER MONUMENT

PERO

QUEZON AVENUE

RIN

SASAKYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with