^

PSN Opinyon

CPNP Alan La Madrid Purisima

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HAHARAP today sa mga mambabatas si Philippine National Police Chief Director General Alan Purisima matapos itong dumating the other night matapos itong dumalo sa anti-kidnapping seminar sa Colombia, US of A. Kaya malamang magsasalita na ito sa lahat ng mga akusasyon ng kanyang mga critics na ibinabato todits para ang madlang people sa Philippines my Philippines ang humusga sa kanya kung siya ay nagpabaya sa tungkulin bilang ‘erpat’ ng kapulisan at kung siya nga ba ay kurap tulad ng sinasabi ng iilan?

May mga humihiling ng ulo nito para sipain na sa Crame. Ang iba naman ay dapat daw muna siyang mag-leave habang isinasagawa ang imbestigasyon laban sa pinag-uusapan natin.

Naku ha!

Bakit?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang mga ibinabatong baho kay Purisima habang wala ito sa Philippines my Philippines at pilit na ginagawan ng paraan ng kanyang mga kritiko para sirain ang kanyang kredibilidad sa madlang pinoy at maging kay P. Noy.

Ika nga, hinihila ito pababa!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung may mga lespu man gumagawa ng katarantaduhan ito ay iilan lamang sa dahil talagang mga tarantado sila pero mas nakakarami ang mga pulis na matitino na ang layunin ay maglingkod, ipagtanggol at iligtas ang  madlang people sa mga kriminal.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, totoong may mga scalawag police pero ano ba ang nangyari sa kanila?

‘Ang mga inireklamo at nahuli ay inaalis sa tungkulin at pinakulong para sa mga kagaguhan ginawa nila at ang hindi pa nahuhuli ay ‘wanted’ at pinaghahanap para panagutin sa mga ginawang nilang kaso !’ sabi ng kuwagong hinoldap.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi pa nag-iinit ang puwitan ni Purisima sa Camp Crame matapos siyang italagang CPNP ni P. Noy ay pinasalubungan agad ito ng kung anu-anong mabibigat na problema gawa ng mga kritiko niya?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga naging Chief PNP ang pinasalubungan ng mga matitinding problema ng mga kritiko nila dahil hindi sila ang napili ng pangulo?

‘Bakit may pasalubong?’ tanong ng kuwagong lasenggo.

“Masiadong mapolitika dyan sa loob may mga bata-bata rin sila na kapag hindi napili ay nag-aalburoto?’

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi kasi maganda madlang pinoy ang rating ng isang opisyal ng gobierno sa mga ginawang survey sa kanya para sa 2016 imbes na umangat eh bagsak ito kaya ang mga alipores niya ang gumagawa ng mga dahilan para sirain ang kredibilidad ni Purisima at ang bata nito ang umupo at palitan ang pinag-uusapan natin para nga naman sa mga publicity bida ang nagpakana? Hehehe!

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Abangan.

Walang solusyon sa M. M traffic kundi ito lang

POLITICAL WILL ! Ang kailangan para mabigyan ng solusyon ang malalang traffic sa Metro - Manila dahil kung wala ito tiyak alaws mangyayari kundi puro ngawa lamang!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, siguro dapat gawin ni MMDA chairman Francis Tolentino, pag-isipan mabuti kung ano ang dapat gawin sa mga dumaraming sasakyan na tumatakbo sa Metro - Manila lalo na sa EDSA.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mas mainam siguro imbes na ‘color coding’ ang ipairal sa mga sasakyan ay subukan nilang ipatupad na ipagbawal kada araw ang mga ‘brand’ ng mga sasakyan sa kalakhan Maynila dahil tiyak makakatulong ito ng malaki para hindi tumindi ang traffic.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, halimbawa Lunes ang number coding ending - 1 or 2 sa kalye ay bawal pero mas mainam siguro kung ang mga brand tulad ng ‘Toyota, Kia, Hyundai vehicles’ ang ipagbawal during peak hours. Kapag Martes ang mga brand ng ‘Honda, Mitsubishi, echetera, Wednesday ang mga imported brand vehicle tulad ng Mercedez Benz, BMW echetera, Huebes - Nissan at iba pang brand.

Sabi nga, so on and so forth!

Sa mga pampublikong sasakyan na lamang tulad ng jeep at bus nila ipatupad ang ‘color coding scheme.’

Sa Taxi naman dapat isama rin sila sa klase o brandname ng kanilang sasakyan sa araw na itatakda na bawal sila muna sa kalye.

Sabi nga, lahat ng taxing Toyota kung Lunes bawal, Kia, kung Martes bawal, Nissan kung Mierkules echetera.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tiyak sa ganitong sistema maiibsan kahit papaano ang traffic  sa Metro - Manila dahil hindi biro ang dami ng mga ito sa kalsada.

Sa mga dambuhalang trak ipatupad pa rin ang ‘truck ban.’

Abangan.

vuukle comment

ASSET

KUNG

KUWAGO

MISMO

ORA

PARA

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with