^

PSN Opinyon

‘Hamon sa mga ‘boss,’ kasuhan na lang ang mga ‘KKK’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

ALAM ng marami na kilos-pagong ang proseso ng kaso sa hukuman.

Kaya naman napakadaling sabihin ng isang nasa posis­yon o namumuno sa lipunan na kapag mayroong reklamo laban sa kanila, idiretso nalang sa korte. Hindi ito ubra sa mga taong salat o mahihirap kaya ginagawa itong palusot at dahilan ng mga taong sagana sa pera, sagana sa posisyon at sagana sa kaalaman.

Dahil karamihan sa mga nagrereklamo at naapi, salat. Salat sa pangangailangan, salat sa pera at salat sa kaalaman kung kaya salat din sa hustisya.

Sa kaliwa’t kanang batikos sa administrasyon dahil sa mga isyu at kontrobersiyang ipinupukol sa mga “KKK” (kabarilan, kaibigan, kainuman), sinabi ni Pangulong Noy Aquino kamakailan na kapag may reklamo laban sa kanila, idiretso nalang agad sa hukuman. Kung sa palagay daw ng mga “boss” na kurakot at tiwali ang mga nakapaligid sa kaniya, kasuhan nalang daw sila.

Para sa BITAG Live, tatlong bagay lang ang magiging kahihinatnan ng kaso kung bakit sinabi ito ng pangulo. Una, magsasawa na ang tao, pangalawa, patay na ang mga nagrereklamo at pangatlo, mababaon lang ito sa kalimot at matatabunan ng mga bagong isyu.

Ito ang karaniwang sagot ng mga namumuno kapag kaalyado na nila ang nasasangkot. Pero kapag oposisyon ang idinadawit, pinasasampahan agad ng kaso. Sa halip na korte, ginagamit nila ang Senado para mag-imbestiga at kung gusto nilang patalsikin, Disbursement Acceleration Program (DAP) lang ang katapat.

Ganito ang ginawa nila sa dating Chief Justice Renato Corona dahil sa kaniyang kwestyunableng Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN). Ngayon, kaparehong reklamo din ang ibinabato kay PNP Chief Alan Purisima, mga umano’y itinatagong niyang yaman. Pero dahil “kabarilan,” sa halip na paimbestigahan hinamon ni PNoy na magsampa nalang ng kaso ang mga nagrereklamo.

Nananatili pa rin umanong mataas ang kumpyansa at tiwala ni PNoy at ni Interior and Local Government Sec. Mar Roxas sa hepe ng pulisya.

Para bang ang tiwala ng isandaang milyong Pilipino inilagay na sa kamay ng nasabing mga pinuno. Minsang tinanong ni Senator Chiz Escudero si PNoy sa social media twitter, papaano malalaman ng presidente ang kagustuhan ng isandaang milyong “boss” kung taliwas naman ang kaniyang mga sinasabi at desisyon sa kagustuhan ni Juan Dela Cruz?

Lahat ng mga kaguluhan at kalituhang ito ay repleksyon kung anong uring pamumuno mayroon si Pangulong Aquino.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

vuukle comment

CHIEF ALAN PURISIMA

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

JUAN DELA CRUZ

LIABILITIES AND NET

MAR ROXAS

PANGULONG AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with