^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Tinatahak ba ang ‘tuwid na daan’?

Pilipino Star Ngayon

SINAMPAHAN ng kasong pandarambong, graft and corruption at bribery charges si Philippine National Police (PNP) chief Director General Alan Purisima sa Office of the Ombudsman. Ang nag­sampa ng kaso ay ang Coalition of Filipino Con­sumers. Isinampa ang kaso makaraang tumanggi si Purisima na i-release ang kanyang statement of assets­ and liabilities and net worth (SALN). Ma­raming nana­nawagan na ilantad ng PNP chief ang kanyang SALN subalit hindi siya sumasagot sa mga kahilingan. Lalo nang naging kontrobersiya si Purisima nang mabulgar ang ipinagagawa umano nitong “White House” sa loob ng Camp Crame. Sa isang TV program, ibinulgar na mayroon umano itong mansion­  sa Nueva Ecija at iba pang ari-arian sa ibang lugar. Pinabulaanan naman ng PNP spokesman ang paratang kay Purisima at sinabing sa­sagutin nito ang mga paratang sa tamang pa­nahon. Ayon pa sa tagapagsalita, kasalukuyang nasa Colombia si Purisima at dumadalo sa conference.

Nakapagtataka naman kung bakit bantulot ang PNP chief sa pagpapakita ng kanyang SALN. Ano ang kanyang itinatago? Kung walang gina­gawang kasalanan, bakit ayaw ilantad ang kanyang kabuuang kita? Paano naman magkakaroon ng saysay ang plano ni DILG Secretary Mar Roxas na isasa­ilalim sa lifestyle check ang lahat nang PNP officials kasama si Purisima. Kung noon pa ay tutol na si Purisima sa paglalantad ng kanyang SALN, mapilit kaya siya ni Roxas at ng BIR. Ayon kay Roxas, hinihintay lamang niya ang final na draft ng BIR ukol sa planong pag-lifestyle check sa PNP officials. Dito makikita kung may “pangil” si Roxas.

Ang pag-lifestyle check sa PNP officials ay lumutang makaraan ang “kidnapping” incident sa EDSA noong Set. 1 kung saan pawang mga pulis La Loma ang sangkot. Nabulgar ang yaman ng ilang pulis na sangkot sa kidnapping. Bukod sa kidnapping marami ring police officials ang nagmamantini ng mga sugalan.

Kung ano ang puno ay siya ring bunga? Dapat maging halimbawa si Purisima sa kanyang nasasakupan. Tinatahak pa ba ang “tuwid na daan”?

vuukle comment

AYON

CAMP CRAME

COALITION OF FILIPINO CON

DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

KANYANG

LA LOMA

PURISIMA

ROXAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with