^

PSN Opinyon

‘Hinihinging tiwala’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NABABALOT ng iba’t ibang isyu at kontrobersiya ang administrasyon.

Andyan ang nagbabantang krisis sa sektor ng enerhiya, matagal ng problema sa transportasyon, agrikultura, maanomalyang paggasta sa kaban ng bayan, ang tumataas na kriminalidad sa bansa at iba pa.

Kaliwa’t kanan ang mga batikos ng taumbayan gayundin ang mga grupong hindi sumasang-ayon sa hakbang ng mga nakaupo sa pamahalaan.

Subalit sa kabila nito, nitong mga nakaraang araw, umapela si Pangulong Noy Aquino sa kaniyang mga “boss.”

Ipagpatuloy daw ang tiwala sa kaniya, sa kaniyang administrasyon at sa mga ginagawa nilang reporma. Hindi daw ito“personal gain” kundi para sa kapakanan ng marami.

Tulad ng paulit-ulit kong sinasabi sa aking progra-mang BITAG Live maging sa kolum kong ito, ang tiwala hindi hinihiling, hinihingi o inaapela.

Ito ay nakakamtan base sa nakikitang resulta ng gawa o kinahinatnan ng gawa, sa mga ikinikilos at sa pananalita ng mga nakaupo.

 Hindi nangangahulugan na kapag isa kang lider o iniluklok sa pwesto, dapat ka ng pagtiwalaan at i-respeto.

 Dahil anuman ang nakikita ni Juan Dela Cruz, tumpak man o palpak, ang siyang magiging basehan ng kaniyang persepsyon, tiwala at respeto. Ito ang magiging pundasyon ng integridad ng isang indibidwal o namumuno.              

Ang problema, umaapela si PNoy ng tiwala pero ang mga problema sa gobyerno partikular sa ahensya ng Department of Energy (DOE), Department of Agriculture (DA), Department of Transportation and Communication (DOTC), Department of Budget and Management (DBM) at Philippine National Police (PNP), hindi pa rin nareresolba.

 Ang mga bagay na dapat noon ginawa na, ngayon palang nila ginagawan ng hakbang.

 Naniniwala ang BITAG Live na hindi kurakot at kurap si PNoy sa kaniyang “Matuwid na Daan.” Pero kwestyunable ang integridad ng mga gabineteng nakapalibot sa kaniya partikular sa mga nabanggit na departamento.

 Sa ganitong mga isyu at kontrobersiya, pinupukaw ng aking programa ang taumbayan na suriing maigi ang sinasabi ng mga namumuno.

 Bilang “Juan Dela Cruz” sa media, ako ay nagsasalita base lamang sa malalim na pag-aanalisa sa sunod-sunod na mga kapalpakan at kaganapan sa pamahalaan.

 Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

 

 

vuukle comment

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

DEPARTMENT OF ENERGY

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

JUAN DELA CRUZ

PANGULONG NOY AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with