^

PSN Opinyon

‘Leak’

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

DAPAT rebisahin ng taga-Office of Internal Security (OIS) at Special Project Division (SPD) ang mga hakbang nila kapag nang-raid sila ng illegal gambling at iba pa dahil mukhang may “leak” sa operation nila. Noong Set. 17 kasi mga suki, nag-coordinate itong team ni Sr. Insp. Reynold Macabitas para sa isang anti-illegal gambling operation sa Cavite at Batangas. Subalit bago pa lang mag-take off ang team ni Macabitas ay nakatimbre na ang “coordination” niya sa mga gambling lords sa buong Calabarzon. Ang suspetsa sa ngayon, ang nag-leak ng raid info ay si Jun Milan na nakipag-negosasyon sa mga gambling lords sa Calabarzon ng weekly payola ng OIS at SPD. Siyempre, dahil sa leak ng “coordination”, umuwing luhaan at bokya ang team ni Macabitas, he-he-he! Mabuhay si Milan at naisahan niya ang tropa ni Macabitas!

Pero ayon naman sa mga suki ko, baka kusa namang nai-text ni Milan ang “coordination” sa mga gambling lords bilang patunay na nangri-raid itong OIS at SPD! ‘Ika nga sila ang naatasan ni DILG Sec. Mar Roxas na mangolekta ng pitsa para sa war chest niya sa darating na election. Kasi nga kung hindi mangri-raid o walang pangil itong OIS at SPD, baka kapiranggot lang ang makuha nila sa mga gambling lords, di ba mga suki? Kaya sa pamamagitan ng text ni Milan, na-establish ng tropa ng OIS at SPD ang nais nilang mangyari at ang mga gambling lords ay hahatag sa kanila ng tama lang na lingguhan, di ba Boss Molly Acuna Sir?

At hindi lang ‘yan? Doble na ang hatag nila dahil na-nganak ang ‘tong” collection ng DILG sa liderato ni Roxas. Hehehe! Ano ba ‘yan?

Ganito pala ang nakasaad sa text ni Milan sa mga gambling lords mga suki. Area of operation, Cavite (Bacoor City, Dasmariñas City, Silang, Carmona), Batangas (Tanauan City, Malvar, Padre Garcia, Batangas City, Lemery). Vehicle used: Toyota SUV (white) SJG 742, Toyota SUV (red) SHU 683, Toyota Hi-Lux (white) SHS 707, Toyota SUV (beige) CSA 75, and Nissan SUV (white) ZEP 608. Hehehe! Kaya pala nag-leak eh nakipag-coordinate din si Macabitas sa mga nabanggit na police stations thru SMS o text!

Kung titingnang maigi mga suki, mukhang hindi seryoso si Macabitas sa lakad niya, di ba mga suki? Kasi parang hindi abot ni Macabitas na nakatimbre itong gambling lords sa local na kapulisan at siyempre sasabihan nila ang mga ito bunga sa loyal sila sa pitsa at hindi sa PNP. At isa pa, mayroong “one strike” policy ang PNP sa illegal gambling at kapag nabukulan ang mga hepe ey sibak sila. Dapat sigurong bago mag-lifestyle check si Roxas sa PNP, unahin niyang linisan ang bakuran niya at mukhang amateurs ang nakuha niyang mga operatiba. Kahit anong unit ng DILG at PNP man puro pitsa ang nasa isip nila at si Roxas na lang ang hindi nakaaalam. Abangan!

vuukle comment

BACOOR CITY

BATANGAS

BATANGAS CITY

BOSS MOLLY ACUNA SIR

CALABARZON

GAMBLING

MACABITAS

ROXAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with