^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Harapin ang Senado

Pilipino Star Ngayon

NAGSALITA na si Vice President Jejomar Binay noong Huwebes kaugnay sa mga inaakusa sa kanya. Dalawampung minutong nagsalita si Binay at iniisa-isa ang mga nagawa niya sa Makati. Mas maraming sinabi si Binay ukol sa mga magagandang bagay na tinatamasa ng mga taga-Makati --- libreng pag-aaral, ospital, sine at cake para sa senior citizens, at marami pang ibang kaginhawahan. Hindi naman gaanong naipaliwanag ang inaakusa sa kanyang overpriced daw na Makati parking building. Para sa amin, mas maganda sana kung sa Senado siya haharap para masagot nang maliwanag ang mga ipinaparatang sa kanya. Harapin sana ang Senado para maipagtanggol ang sarili.

Ilang linggo nang nag-iimbestiga ang Senate blue ribbon committee kay Binay kaugnay sa umano’y overpriced na Makati building na ginawa noong siya pa ang mayor. Corruption ang inaakusa kay Binay dahil sa overpriced na building. Ang halaga ng parking building ay P2.3 billion pero ayon sa mga nag-aakusa sa kanya, ang halaga lamang ng building ay P1.2 billion.

Sabi pa ng dati niyang­ vice mayor na si Ernesto Mercado, nagdeliber daw siya ng pera na nakalagay sa tatlong bag. Galing umano sa mga contractor ang pera. Ang pera ay para raw sa anak ni Binay na si Junjun (kasalukuyang Makati mayor) at kay Ebeng na secretary daw ng Vice President.

Pero ang laging sagot ni Binay, pinupulitika raw siya at kanyang pamilya. Wala raw katotohanan ang mga paratang sa kanila. Ginagamit din daw ng mga senador ang Senado para “dungisan” ang kanyang pangalan. Ang dalawang senador daw na nagdidiin sa kanya ay may mga sariling ambisyon. Gusto raw ng mga itong tumakbo sa 2016 elections. Hindi raw nagiging parehas ang Senado sa pag-iimbestiga sa kanya.

Tanggapin sana ni Binay ang anyaya na humarap siya sa pagdinig ng Senado. Hayaan ang mga Senador na magtanong sa kanya. Kahit pa bali-baliktarin ng mga Senador ang tanong sa kanya, masasagot niya dahil ayon sa kanya, wala naman siyang ginagawang mali sa Makati. Wala siyang dapat ikatakot sa mga nagtatanong kung wala naman siyang kasalanan. Ang natatakot lamang humarap ay yung mga nakinabang sa pondo ng bayan. Ipakita ni Binay na malinis ang konsensiya at huwag ikatwiran na pinupulitika lang siya.

vuukle comment

BINAY

ERNESTO MERCADO

KANYA

MAKATI

SENADO

SENADOR

VICE PRESIDENT

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with