^

PSN Opinyon

Erap, tinakot ng Malacañang

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang pinressure ng Malacañang si Mayor Erap Estrada upang alisin ang truck ban sa Maynila?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Dr. Joe Taruc ng DZRH, Rey Langit ng DWIZ, Atty. Jimmy Policarpio, Angie Cunanan ng A-Teacher Partylist, Atty. Yeshter Baccay, Mrs. Avelina Vizconde at PSINP Evans Boyser at Bro. Ruben Garcia.

Alam n’yo bang tinakot ng Malacañang si Erap dahil ayaw niyang alisin ang truck ban sa Maynila?

Ayon sa aking bub­wit, dahil sa bilyones na pagkalugi ng pamahalaan at maging ng mga negosyante epek­to ng sobrang trapik sa Metro Manila, nagpadala ng sugo ang Palasyo upang kausapin si Erap.

Kinausap ang isang malapit na kaibigan ni Erap na dati niyang Cabinet member at naging miyembro rin noon ng Cabinet ni dating President Cory Aquino. Ang opisyal ay hindi umano matatanggihan ni Erap kaya siya ang napiling kumausap kay Erap upang alisin ang truck ban.

Ayon pa sa aking bubwit, ang mensahe ng Malacañang ay isang pakiusap na may konting pananakot. Ang ginawang panakot kay Erap ay ililipat umano si Sen. Jinggoy Estrada sa regular na bilangguan ng Bureau of Jail and Penology (BJMP) kung hindi aalisin ang truck ban.

Mahigpit umanong tumutol si Vice Mayor Isko Moreno subalit nanaig si Erap dahil ayaw niyang mahirapan ang anak na senador.

Talagang “weder-weder” ang buhay at panahon.

Ayon sa aking bubwit, ang ginawang  messenger ng Malacañang para kausapin si Erap ay walang iba kundi si dating Sec. P. as in Padrino.

 

vuukle comment

A-TEACHER PARTYLIST

ANGIE CUNANAN

AYON

BUREAU OF JAIL AND PENOLOGY

DR. JOE TARUC

ERAP

EVANS BOYSER

MALACA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with