^

PSN Opinyon

Fahji, Golden Boy ng CIDG-NCR

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

50 years old na si Senior Supt. Bong Fajardo dahil birthday niya bukas. Kaya naman binabati natin ang PNP-CIDG-NCR chief. Mabuhay ka!

Bangungot sa DOTC

IKINUENTO ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na uso diumano ngayon sa Department of Transportation and Communication ang ‘band-aid solution’ para pagtakpan ang mga naglalakihan o dambuhalang problema sa nasabing mga ahensiya sa ilalim ng DOTC.

Sabi nga, MRT 3, LTO brandnew plates, security gadgets sa NAIA, ang isnaban ng dalawang opisyal na gustong kumandidatong Senador este mali LTFRB at MMDA pala echetera.

SABI ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pakaang-kaang ang aksyon ng Land Transportation Office pagdating sa usapin brandnew plate numbers ng mga taxi.

Ika nga, nakakalito!

Kaya tuloy pati ang militanteng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide ay nabubuwisit sa palakad ni LTO chief Alfonso Tan at siempre sa bright boy na bossing nilang si DOTC Secretary Jun Abaya.

Nakausap ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  si Goerge San Mateo, national president ng Piston, na kailangang ipaliwanag nina Abaya at Tan ang anyay ginagawang panlilinlang sa publiko bunga ng pagpapagamit ng ganitong uri ng car plates.

Ayon kay Mateo, palpak ang LTO. Bakit ba hindi nila magawa na makapag-isyu ng car plates na hindi magbibigay kalituhan sa madlang people.

May milagro ba diyan? Ano ba ang nasa likod niyan?” ipinatatanong ni San Mateo.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, gustong paimbestigahan ni  San Mateo kay P. Noy, Senado at Kamara Kongreso ang milagrong nasa likod ng kung anu -anong uri ng car plates na naipalalabas ng LTO.

“Malabo yan at  kumplikado. Hindi niyan mapoprotektahan ang mga PUV owners at ang publiko? Paano kung may aksidente, hindi madaling masino ang naka-aksidente dahil hindi mo alam kung sino ang may ari ng sasakyan” bida ni San Mateo.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinayuhan ni San Mateo, ang LTO na huwag nang paasahin ang publiko sa delay ng release ng mga plaka at huwag nang mag - isyu ng ibat ibang klase ng car plates na gastos lang ng gobyerno bagkus ay gumawa na lamang ito ng isang uri ng plaka na mauunawaan ng lahat at madaliang makakabisado.

Ibinida ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na kinondena ni Elvira Medina –President ng Consumers Group ang LTO dahil sa hindi makatwirang mga car plates na iniisyu nito na aniya’y  isang uri ng kalokohan at panlilito sa madlang people.

Abangan.

 

Major overhaul sa usaping MRT 3

Tirada ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi puedeng ‘remedyong talyer’ lamang ang lunas para pagtakpan ang kapalpakan nangyayari  sa MRT 3.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, 350,000 passengers everyday ang kailangan lamang sumakay sa MRT 3 pero mas malaki pa ang bilang ng madlang rider ang isinasakay todits kaya tuloy pahetot-hetot ang botak ng bagon. Hehehe!

Ika nga, basta overloaded ang bagon tiyak masisira kahit na anong gawin pa rito.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang aberya na dinaranas ng madlang people sa MRT 3 puera pa rito ang araw-araw na pahirap sa pagsakay nila.

Ika nga, pilahan!

‘Ano ba ang dapat na pangmatagalan solusyon para maayos ang MRT 3?’ tanong ng kuwagong pinagpawisan.

‘Pera laang!’ sagot ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Bakit naman?

‘Para bumili at palitan ang mga dispalinghadong bagon.’

Kamote, korek ka dyan!

Abangan.

 

Security gadgets sa NAIA T1, 2, 4

SABI ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi natuloy ang subastahan blues last August 15 sa airport para sa 700 plus hi-tech security CCTV camera at command center na ilalagay sa NAIA ‘worst airport’ terminal 1, 2 at 4.

Bakit?

‘Hindi malaman ang dahilan kung bakit na-postponed ito.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kinukumpuni diumano ang mga paliparan kaya mukhang hindi natutuloy ang subastahan blues dito?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kailangan kasabay ng sturctural repair ang paglatag ng cable provisions para sa CCTV cameras kasi kung tapos na ang ginagawa sa tatlong terminal tsaka pa lang magbubutas doble ang trabaho.

Ika nga, maganda na sisirain pa ulit ? Hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, marami ang interested bidders ang sumali para sa mga CCTV cameras and command center karamihan sa mga ito ay banyaga na may asset na mga local companies kaya naman ang mga ito ay bumili diumano ng P50,000 bid form noon pa ang problema hindi naman natutuloy ang bidding.

Sabi nga, buwisit na ang ibang bidders sa tagal ng bidding?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Abangan.

vuukle comment

ASSET

IKA

KUWAGO

MISMO

ORA

SABI

SAN MATEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with