^

PSN Opinyon

Binyag ng anak ni Kuyang Galiver

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

THIS Sunday (Sept. 21, 2014), may malaking salu-salong gagawin sa isang place dyan sa Sto. Nino, Sumulong Highway Marikina kaya ang madlang people na kasangga ng erpat ng bibinyagan si Gio Jose Ocampo ay invited to come and to eat. Hehehe!

Si Gio ay anak ng aming Kuyang na si Galiver Ocampo, na miembro ng Marikina Lodge ng Free and Accepted Masons of the Philippines my Philippines.

Sabi ni Kuyang Galiver sa ganap na alas - 11:30am bibinyagan si Gio sa St. Paul the Cross Parish, dyan sa may SSS Village Marikina kaya huwag kayong mawawala dahil hindi biro ang handaan at tsibugan na ihahain ng kanyang family.

Abangan.

Kalkalin mabuti ang nangyari sa EDSA sa usapin ng hulidap

HINDI biro ang nangyari two weeks ago sa may EDSA Mandaluyong ng akusahan ang may 12 miembro ng Philippine National Police ang isa rito ay sibak na sa pagka-pulis ng hulidap at kidnapping kaya tuloy dahil sa pangyayari sumadsad ang imahe ng PNP kaya tuloy maraming nagalit sa mga inakusahan.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi nila kinakampihan ang mga lespung sumabit sa EDSA pero gusto nilang magkaroon ng malalimang imbestigasyon kung sino ang nagsasabi ng totoo ang grupo ba nina Police Chief Inspector Joseph de Vera at PCI Oliver Villanueva o ang mga sinasabing complainant.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat pakinggan ang mga sinasabi nina de Vera at Villanueva para malaman ang buong katotohanan.

Abangan.

P. Noy mukhang dismayado kay VP Binay?

SABI ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang naging isyu regarding kay VP Binay et al sa usapin Makati carpark building dahil parang sinasabi ng mga nag-aakusa kay Jojo na kurap ito?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

The other day namasyal este mali umalis pala si P. Noy going to Europe pero hindi si VP Binay ang ginawang caretaker ng Philippines my Philippines?

Bakit kaya?

“Mukhang may problema si P. Noy at VP Binay?’ tanong ng kuwagong haliparot.

‘First time lang nangyari ito na hindi si Jojo ang ginawang caretaker ng Philippines my Philippines,’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang may kinalaman kaya rito ang ginawang pagkanta ni dating Makati City Vice Mayor Ernesto Mercado sa ibinulgar nito tungkol sa nangyari sa Makati noon magkasama pa sila ni Jojo sa munisipyo?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, the other day nagsalita si Senator Miriam Santiago na maaari pa ring isulong ang impeachment case versus Binay kahit ang bagay na inirereklamo laban sa kanya ay nangyari noong isa pa siyang alkalde ng Makati City.

‘Ibang kuento ito kailangan makinig ang madlang people kapag nagkaroon ng debate tungkol dito.’ sabi ng kuwagong urot.

Abangan.

vuukle comment

ABANGAN

AYON

BINAY

FREE AND ACCEPTED MASONS OF THE PHILIPPINES

GALIVER OCAMPO

GIO JOSE OCAMPO

JOJO

KAYA

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with