^

PSN Opinyon

Ito ang dapat tutukan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MARAMING naiinis dahil sa sama ng serbisyo ng MRT ngayon. Mga problema dulot ng pagkaluma na ng mga tren, mga riles at iba pang kagamitan na may kinalaman sa pagpapatakbo ng nag-iisang sistema ng tren sa EDSA. Pero mabuti na lang at wala pa namang namamatay kapag nagkakaaberya ang tren. Naaantala lamang ang mga pasahero. Iba ang sitwasyon sa pandagat na industriya, partikular ang mga pampasaherong ferry o RORO na bumibiyahe sa mga isla ng bansa.

Noong Sabado ng gabi, lumubog ang Maharlika II na RORO sa karagatan malapit sa Southern Leyte. Mga malalaking alon ang sanhi umano ng paglubog ng ferry. Unang nag-ulat ng kapitan ng Maharlika II na may problema sa timon ng RORO, kaya nahihirapang mailiko ang ferry, hanggang sa lumubog na dahil nasapawan na ng mga malalaking alon. Mabuti at may ilang barkong dumating para sagipin ang mga pasaherong tumalon na sa dagat. Pero sa pagsusulat nito, tatlo na ang kumpirmadong patay at may tatlo pang nawawala. Isangdaan at sampu naman ang nasagip na. Pero muling lumutang ang walang katapusang problema ng industiyang ito.

Hindi matiyak ang kabuuang bilang ng mga pasahero ng RORO, dahil iba-iba ang impormasyon na lumalabas. Sa listahan o manifest ay walaumpu’t-apat na pangalan ang nakalista. Pero nang magsimulang magkaproblema ang ferry at nanawagan na sa Coast Guard, isangdaan labing-anim daw ang pasahero, ayon sa kapitan. Bakit palagi na lang ganito ang nakasanayan sa industriyang ito? Bakit ba ayaw maging tapat sa bilang ng mga pasahero ang mga kumpanyang nagpapatakbo ng mga RORO at kung ano pang pampasaherong barko? At bakit ba pilit nagsasakay ng mga pasahero higit sa bilang na rekomendasyon ng Coast Guard? Dahil sa pera? At kung masama o pasama na ang panahon, bakit pilit pang lumalayag? Tila pansamantalang naghihigpit ang mga otoridad tuwing may aksidente, at kapag lumipas ang konting panahon pinababayaan na naman. 

Kung may dapat baguhin at tutukang industriya na may kinalaman sa transportasyon, ito iyon. Ilan na ang namamatay sa mga aksidente na pwedeng-pwede maiwasan kung sumusunod lamang sa mga batas at patakaran ang mga kumpanya. Kung mahalaga ang MRT sa Metro Manila, napakahalaga naman ng mga pampa­saherong barko sa buong Pilipinas. Kailangan ng mga mabibigat na multa at parusa sa mga lumalabag sa mga patakaran. Lalo na kung may trahedyang naganap at may napinsala pa. Maliban na lang kung wala talagang kontrol ang pamahalaan sa industriyang ito. Tila ganun nga ang lumalabas at nagpapatuloy pa rin ang mga masasamang patakbo ng mga kompanya. Parang naghihintay na lang ang lahat nang panibagong aksidente o trahedya.

 

vuukle comment

BAKIT

COAST GUARD

KUNG

MAHARLIKA

METRO MANILA

NOONG SABADO

PERO

SOUTHERN LEYTE

TILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with