^

PSN Opinyon

‘Walang katiyakang solusyon’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

ARAW-ARAW, lumalala ang mga problemang kinakaharap ng bansa. Nagiging mas mapanganib na ang lansangan dahil sa lumalang lagay ng seguridad. Walang katiyakan sa sektor ng ener­hiya, tumataas ang mga produktong pang-agrikultura at lalong nagiging mas masahol pa ang kalbaryo ng mga mananakay.

Apat na taon nang nakaupo si Pangulong Noy Aquino ganundin ang mga iniluklok niyang “kapartido sa mga ahensyang nabanggit, pero ang sisi kapag nagkakawindang-windang , laging nakaturo sa nakaraang administrasyon. Kaya naman, sa sektor ng transportasyon, tinanggap na ng publiko na kabahagi na ng kanilang buhay ang trapiko partikular sa Metro Manila.

Sa aspeto ng law and order, isa isa nang naglalabasan ang baho sa hanay ng Philippine National Police (PNP). Marami ang mga matitinong pulis, subalit dumarami rin ang mga halang ang bituka, tiwali, bastos, pusakal at walang disiplina.  Hindi ko layuning manira o mang-insulto. Sinasabi ko lang ang hubo’t hubad na katotohanan na nakikita ni Juan Dela Cruz.

Tulad ng nangyari kamakailan, ang Edsa kidnap-hulidap kung saan ang mga tumira, mga naka-unipormeng kriminal. Sa halip na makamtan ng PNP ang tiwala ng mamamayan sa kanilang “To serve and Protect,” sila pa ang mga nambabalahura at nambibiktima. Dito, nasisira ang imahe ng pulisya.

Ang isa pang lubos na nakakabahala ay ang lumalalang problema at kawalang-katiyakan sa sektor ng enerhiya. Nauna nang sinabi ni Energy Secretary Jericho Petilla na mararanasan ang krisis sa susunod na tag-araw kung hindi ito masosolusyunan.

Kaya naman, para maresolba ang krisis, humihingi ngayon si Pangulong Aquino ng emergency powers sa kongreso. Marami ang umaalma dito dahil marami pang mga problemang dapat munang tutukan at solusyunan.

Pero, para sa BITAG Live, dapat magkaroon muna si PNoy nang agaran at tumpak na hakbang sa kritikal na panahon bilang paghahanda sa krisis. Ito ang sibakin muna si Petilla at bumuo ng think tank group o grupong maglalatag ng mga problema at kaukulang solusyon.

Hindi sila inupo dahil “kakulay” o kapartido. Sila ay mga pribadong indibidwal na ang tanging gagawin ay maglalatag ng mga tumpak na hakbang at mag-uulat sa bawat kaganapan sa publiko. Kritikal ang taong 2015. Ilan lamang sa mga lumalalang problema sa bansa ang sektor ng enerhiya, transportasyon, agrikultura at seguridad.

Hangga’t hindi seryoso ang pangulo at walang sariling paninindigan kung saan ang kaniyang desisyon laging naka-angkla sa partido, nahaharap tayo sa mga problemang walang katiyakang masusolusyunan. Kapag tinanggal na ni PNoy sa pwesto ang mga palpak at pabayang gabinete sa gobyerno, saka palang masasabi ng taumbayan na malapit na ang umaga at umpisa na nang pagbabago.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

vuukle comment

ENERGY SECRETARY JERICHO PETILLA

JUAN DELA CRUZ

KAYA

MARAMI

METRO MANILA

PANGULONG AQUINO

PANGULONG NOY AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with