^

PSN Opinyon

EDITORYAL - ‘Sasakyang kabaong’

Pilipino Star Ngayon

LABINTATLO ang namatay nang mahulog ang isang Ford Fiera sa isang bangin na may lalim na 300 talampakan sa Buguias, Benguet noong Miyerkules ng hapon. Karamihan sa mga namatay ay mga high school student na nakisakay lang sa Fiera. Bumagsak ang sasakyan sa isang batuhang sapa kaya nagkalasug-lasog at nahirapang maiahon ng rescuers.

Ayon sa report, binabagtas ng Fiera ang pa­ahong kalsada nang pasakayin ng drayber ang mga estudyante ng Poblacion National High School. Karaniwan na raw ang pagpapasakay sa mga estudyante sapagkat walang sasakyang nagdadaan sa nasabing lugar. Pagsakay umano ng mga estudyante, nahirapan nang makaahon ang Fiera at nagsimula nang dumausdos hanggang tuluyan nang nahulog sa bangin at naglanding sa sapa. Pito ang namatay on the spot kasama ang drayber. Ang iba pa ay naisugod sa ospital pero dead on arrival. Ayon sa isang estudyanteng nakaligtas, bigla na lang daw umatras ang Fiera nang makasakay ang mga estudyante at sa isang iglap, nahulog na sila sa bangin.

Ayon sa mga pulis, human error o pagkakamali ng drayber ang dahilan kaya nangyari ang malagim na aksidente. Nataranta na raw ang drayber nang magsakayan at umatras ang Fiera. Hindi na raw malaman ng drayber ang gagawin.

Maaaring nagkamali ang drayber at nataranta pero hindi sana nangyari ito kung pinagbawalan na noon pa ng LTO o LTFRB na huwag nang ibiyahe ang mga lumang sasakyan. Ayon sa report, dilapidated na ang Fiera at hindi na kaya pang makaahon dahil gastado at hindi na gumagana ang parts nito.

Pero dahil mas mahalaga sa LTO at LTFRB ang kikitain sa mga magpaparehistrong sasakyan, kahit na kakarag-karag at wala nang preno ay irerehistro pa. Sana sila na ang kusang mag-reject sa mga sasakyang iparerehistro kapag nakitang wala nang kakayahan pa. Huwag nang ipagsapalaran ang buhay ng mga sasakay. Huwag nang hayaan pang may mamatay bago pa ipagbawal ang pagbiyahe ng mga “kabaong na sasakyan”. Igarahe o ibenta na sa junkshop ang mga ito.

 

vuukle comment

AYON

BENGUET

BUGUIAS

FIERA

FORD FIERA

HUWAG

NANG

POBLACION NATIONAL HIGH SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with