^

PSN Opinyon

‘To serve and protect’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

HINDI na kailangan pang ipangalandakan ng Philippine National Police (PNP) na bumaba ang crime rate sa bansa.

Araw-araw, kaliwa’t kanan ang mga patayan, insidenteng itinumba ng riding in tandem at iba pang krimen. Pero paulit-ulit na pinagdidiinan ng ahensya, bumaba ang kriminalidad.

Sa lumalalang krimen sa bansa, pangkaraniwang balita na lang ito at itinuring na lang ng publiko na kabahagi na ng kanilang buhay.

Pinaka-lohika at prinsipyo ng PNP ay “To Serve and Protect”. Serbisyuhan at protektahan ang mga mama­mayan. Subalit, hindi ito nakikita at nararamdaman.

Ang hubo’t hubad na katotohanan, hindi community friendly at citizen friendly ang mga pulis sa Pilipinas. Tumatak na sa isipan ng publiko ang negatibong konotasyon at mababang persepsyon sa mga nagpapatupad ng batas.

Dahil kapag mayroon krimen, ang mga pulis, kinaka­ilangan pa munang hanapin, tawagan at hintayin.

Para bang kinakailangan munang may mabiktima at mamatay bago respondehan at resolbahin ang isang krimen­ dahil kung hindi, walang trabaho ang mga lespu.

Sa ganitong istruktura ng PNP, ang mga kriminal, pusakal, halang ang bituka at demonyo sa lupa na sina­samantala ang kahinaan ng batas, lalo pang nagiging agresibo at gumagaling.

Kung aspeto ng pagpapatupad ng batas ang pag-uusapan, milya-milya ang layo ng pulis sa Pilipinas kumpara sa mga pulis sa Estados Unidos na taun-taon idinodo-kumento ng grupo ng BITAG.

Magiging sirang plaka na ako sa paulit-ulit na pag­talakay sa programa kong BITAG Live at sa kolum kong ito hinggil sa peace and order pero tulad ng lagi kong sinasabi, hangga’t hindi inaayos ang set up ng PNP partikular ang central communication system, hindi bababa ang kriminalidad sa bansa.

Hindi ko layuning manira o mang-insulto rito, ipinupunto at ipinapakita ko lang ang kahinaan ng ahensya at ng pamahalaan sa hindi paglalaan ng tamang pondo at atensyon sa seguridad para matugunan ng mga namumuno.

 Dahil kung aanalisahin, ito ang isa sa mga dahilan kung bakit maraming mga imbestor ang ayaw mamuhunan at magtayo ng negosyo sa Pilipinas dahil sa lumalalang kriminalidad.

Panoorin kung papaano istriktong ipinatutupad ang batas sa bansang Amerika, log on bitagtheoriginal.com  click PINOY-US COPS.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

vuukle comment

ABANGAN

DAHIL

ESTADOS UNIDOS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PILIPINAS

TO SERVE AND PROTECT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with