^

PSN Opinyon

NBI saluduhan sa apat na terorista sungkit sa NAIA

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NATUTUWA ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa malakas na pangamoy ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation na nagsagawa ng hindi birong operasyon sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, dahil nakalawit nila ang apat na hinihinalang terorista na sinasabing magpapasabog daw ng airport habang binubuo ng mga kamote ang kanilang improvised bomb sa loob ng kanilang ginamit na sasakyan habang nasa parking lot B ng paliparan.

Ika nga, napanganga ang mga authorities sa NAIA dahil mahina ang intel networking dito nila?

Naku ha!

Totoo kayang mahina?

‘Kung malakas ba silang tumunog dapat kasama sila sa operasyon habang tinitiktikan ito ng NBI hindi iyong pagkatapos mahuli saka nila nalaman mayroon na palang mga terorista na pupuedeng lumikha ng malaking pagpapasabog.’ sabi ng kuwagong patanga-tanga.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagulat pa ang mga kamote ng pagbabatukan este mali tutukan pala ng mga boga ng NBI ang mga naghihimas ng improvised bomb dahil hindi nila akalain na huli sila sa akto.

Sabi nga, nabigla silang apat!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang buong akala noong apat ay isa lamang panaginip na sakote sila iyon pala totoo. Hehehe!

Ngayon pumutok ang balitang apat na hinihinalang terorista ang nahuli ng NBI sa airport kaya ang ginawa ng mga pa-bright-bright na mga opisyal dito na sinasabing magaling daw sila sa intelligence networking ay mabilis na nag-drawing ng meeting para masabing alerto sila sa maaring mangyari sa mga terminal. Hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang pagsasabay-sabayin daw ang pagsabog ng mga improvised bomb sa iba’t-ibang lugar para guluhin ang madlang people sa kanilang tahimik na gawain.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat saluduhan at bigyan ng pagkilala ang mga ahente ng NBI na nagpuyat, nagpaka-gutom, nag-tiaga para subaybayan ang mga kamoteng terorista. Take note, DOJ Secretary Leila de Lima ang gagaling ng mga ahente mo at matindi ang information gathering nila.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naghahanda talaga ang mga terorista na maghasik ng lagim hindi lamang sa mga paliparan kundi sa iba’t-ibang lugar sa Philippines my Philippines para maunsyami ang pagbisita ni Pope Francis sa mga naging biktima ng bagyong Yolanda at ang pagdating ng mga matataas na opisyal ng APEC kaya esep-esep agad ang mga kamoteng manggugulo kung ano ang dapat nilang gawin para takutin ang madlang pinoy.

‘Kaso ang masama ay nabuking agad ang step 1 nila sa airport!’ sabi ng kuwagong taga - sipsip este mali ISAFP pala.

‘Ano ngayon ang ginagawa ng mga taga - airport?’ Tanong ng kuwagong nalinlang.

Sagot - ayon nakakalat sila para masabi under control ang situasyon? Hehehe!

‘Sana walang mangyaring gulo dapat maging alerto ang mga autoridad sa NAIA para hindi tayo mahuling pakaang-kaang.’ sabi ng kuwagong urot.

‘Remember si Mayor Talumpa at isang sanggol na napatay sa arrival lobby ng NAIA terminal 3. Nasaan ang mga airport authorities noon?’ Tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

‘Saan nga ba?’

Sagot - walang makapagsabi!

Abangan.

vuukle comment

AYON

HEHEHE

MAYOR TALUMPA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT TERMINAL

PARA

POPE FRANCIS

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with