^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Huwag nang magpaliguy-ligoy

Pilipino Star Ngayon

MARAMING nalilito sa inaakto ni President Noynoy Aquino. Mula nang sabihin niyang pabor siyang amyendahan ang Konstitusyon, maraming nag-iisip na balak nga niyang i-extend ang termino. Sa kanyang mga pananalita ay parang gusto niyang umulit ng panunungkulan at mangyayari lamang iyong kung magkakaroon ng pagbabago sa Saligang Batas. Pero kapag iniinterbyu sa telebisyon ay wala namang tuwirang pag-amin ang Presidente kung gusto nga ba niyang palawigin ang termino. Masyadong matalinhaga kung magsalita ang Presidente at hindi agad masapol kung ano nga ba ang kanyang gusto. Ano ba talaga?

Sa kanyang nakaraang SONA, nagpahiwatig na si P-Noy na bababa siya sa puwesto. Sabi niya, “Sa 2016, pipili kayo ng bagong pinuno ng ating bayan. Ang sa akin lang po: Para ipagpatuloy at mas mapabilis pa ang pagbabagong tinatamasa na ng ating lipunan, iisa lang ang batayan sa pagpili ng papalit sa akin: Sino ang wala ni katiting na dudang magpapa-tuloy sa transpormasyong ating isinakatuparan?”

Pero kapag nagpapainterbyu nga siya ay iba rin naman ang namumutawi sa kanyang labi na tila nga gusto niyang magkaroon ng extension sa pamumuno. Dahil sa paiba-ibang sinasabi, marami ang nalilito at nagugulumihanan. Dapat sabihin na ng Presidente kung tatakbo ba siya o hindi? Yes or No? Ito ay para maging malinaw sa taumbayan ang lahat.

Dahil sa mga sinasabing pagpabor niya na am-yendahan ang batas at paghahangad ng ikalawang termino, pati ang foreign press ay nagsasabing maghinay-hinay si P-Noy ukol dito. Marami rin namang pulitiko ang nagpapayo kay P-Noy na huwag amyendahan ang Konstitusyon. Gayahin daw ang ginawa ng ina nitong si dating President Cory Aquino na mahigpit ang paglaban sa term extension.

Huwag nang magpaliguy-ligoy ang Presiden­te, sabihin nang tapatan kung tatakbo ba siya o hindi sa 2016. Magdadagdag lamang ang pali­guy-ligoy na pananalita ukol sa pagtakbo sa pro­­blemang dinadanas ng bansa. Huwag nang idahilan ang kanyang mga “boss” sa gagawing pagdedesisyon sa usaping ito.

vuukle comment

ANO

DAHIL

HUWAG

KONSTITUSYON

P-NOY

PERO

PRESIDENT CORY AQUINO

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

SALIGANG BATAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with