^

PSN Opinyon

‘Dapat bang manandata?’

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

SA LUMALAKING POPULASYON  ng Pilipinas na ngayo’y nasa mahigit 100-milyon, iba’t ibang krimen ang nababasa natin sa mga pahayagan,

Oo nga’t ginagawa naman ng ating kapulisan ang kanilang trabaho sa pamumuno ni DILG Secretary Mar Roxas at ni Police Director General Alan La Madrid Purisima, subalit kulang talaga ang dami ng ating miembro ng Philippine National Police sa laki ng ating bansa.

Iba’t ibang gang ang nagsulputan at ang pinakamabigat ay ang ‘riding in tandem’ na mga bayarang mamamatay tao na ginawa ng hanapbuhay ang tumanggap ng kontrata para tumumba ng tao.

Oras na ba na pag-isipan na tayo’y magdala ng armas para maprotektahan ang ating pamilya, mahal sa buhay at ari-arian?

Maraming tumututol na sector ng lipunan na baka maging ‘Wild, Wild, West’ ang ating lansangan. Lahat na lang ng tao may dalang baril.

Bukod sa argumento na ang mga armas na nasasangkot sa krimen ay hindi lisensyado (loose firearms) ang pagkuha ng PERMIT TO CARRY FIREARMS OUTSIDE RESIDENCE(PTC) ay masusing sinasala kung sinu-sino ang maari lang magdala nito.

Inatasan ng ating P/Director General Alan Purisima ang isang opisyal na kanyang mapagkakatiwalaan.

Ito ay sa kadahilanan na mula nuon pa, ang daming katiwalian nangyayari na nung minsan ang isang bulag na tao ay bigyan ng lisensya ng baril at PTC.

Ang inilagay sa PNP-PTC  Chief ay si Chief Inspector Norberto Sta. Maria.

Nagkaroon ako ng pagkakataon na makilala ang taong ito at bagamat istrikto siya, ito ay patas na tao.

‘Layunin ko ang linisin ang departamentong ito ng PNP para ang mga tao ay hindi mag-atubiling magtiwala sa amin at hindi na kailangan dumaan sa mga mapagsamantalang tao na nagsasabing kaya nilang ayusin ang kanilang PTC,’ mariing sinabi ni C/Insp. Sta. Maria.

May mga kailangan ‘requirements’ ang mga taong kukuha ng PTC.

‘Una ay dapat meron kang lisensya ng inyong baril na valid at hindi pa paso.

Kailangan mo rin ng liham na naka-address kay Chief PNP Purisima at naka atensyon ang Chief PTCFOR na si Chief Inspector Norberto Sta. Maria.

Dokumento na may naka-ambang panganib sa buhay mo o ang iyong trabaho ay may panganib dahil sa uri ng trabaho mo o ikaw ay nagdadala ng mga malaking halaga ng pera para sa negosyo mo.

Photo-copy ng iyong lisensyang baril na hindi pa ito paso at kung meron ka ng dating PTC kailangan din ito na i-photo copy mo at ilakip.

‘Clearance mula sa Directorate for Intelligence’ o kung sa probinsya ‘clearance mula sa R2’.

Kailangan ka rin sumailalim sa isang Neuro-Psychiatry Test para masiguro na nasa tamang kaisipan ka at hindi basta iinit ang ulo mo at mamamaril.

Dapat ka rin sumailalim sa Drug Test para makita na hindi ka gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Kailangan na ikaw mismo ang kumuha ng application dahil daraan ka sa pagkuha ng litrato mo at biometric (finger prints) para patunay na ikaw nga yun at hindi mo ipinaayos lamang.

Ang pinakahuli ay ang dumaan ka sa isang ‘Gun Safety Seminar’ na may mga kuha kang litrato na aktwal kang nagpapaputok ng baril para masiguro na marunong kang gumamit nito para di ka maka-aksidente.

‘Sa unang tingin parang napakahirap at napakarami ng mga kailangan gawin. Sa bandang huli iyong maiisip na ang oras na inilaan mo ay sulit naman pala,’ ayon kay C/Insp Sta. Maria.

Marami mga ‘fixers’ na ang itinaboy ni C/Insp Sta. Maria sa kanilang tanggapan. Ang mabigat dito ay ang mga taong kumukuha ng pera pagkatapos sasabihin aayusin ang iyong PTC na mabilis lamang.

‘Makukuha mo ang PTC subalit ang hindi mo alam peke pala ito. Malalaman mo na lamang kapag nasabit ka at bandang huli kulong ang katapat mo,’ ayon kay P/CInsp Sta. Maria.

Sa rami ng trabaho nitong si P/Chief Insp Sta. Maria nakuha namin makapag huntahan at nakita niya na mabigat ang aking timbang.

Inamin niya sa akin na dati, siyang ‘diabetic’ subalit ito ay nakontrol niya sa regular na pag-eeherhisyo at pag-inom ng isang uri ng herbal medicine.

‘Dati diabetic na ko subaling ng subukan ko ang herbal medicine na inerekomenda sa akin, ang KING’S HERBAL ni Rey Herrera, nakontrol ang aking diabetis. Ito ay iniinom ko ng talong beses sa isang araw, tatlumpung minuto bago kumain at nag-normalize ang aking ‘blood sugar’, patotoo ni C/Insp Sta. Maria.

Matapos namin mag-usap at pagbalik ko sa aking opisina, hinanap ko agad sa Google ang King Herbal ni Ka Herrera at binasa ko ang mga nakalagay.

Ito pala ay ‘wonder food supplement’ na nakagagaling ng iba’t ibang malalang sakit tulad ng ‘bone cancer, hypertension, diabetis, arthritis.

Nadiskubre ito nito Ka Rey Herrera, isang nagtitinda ng gulay sa Balintawak Market. Natuklasan ng mga doctor na siya ay merong ‘bone cancer, diabetis at mataas ang kanyang blood pressure’.

Nang hindi na niya makaya ang gastos sa pagpapagamot dito itinigil niya ang lahat ng mga gamot niyang iniinom.

‘Napansin ko na sa lahat ng mga hayop ang kambing ang meron pinakamalakas ang pangangatawan laban sa sakit. Pinag-aralan ko ang pagkain nila at ito ay ang mga ‘Makahiya Plant at Cogon Grass’.

Gumawa ako ng katas na ito at ipinaghalo. Ininom ko ito ng madalas hanggang nawala ang kanyang mga sakit,’ ayon kay Ka Herrera.

Wala rin sigurong mawawala kung susubok tayo nito at bagkus makatulong pa ito sa pagpapagaling ng ating karamdaman.

Si Chief Inspector Sta. Maria mismo ang nagbibigay ng testimonya, isang opisyal ng ating kapulisan na may mataas na katungkulang ipinagkatiwala sa atin.

Kung siya mismo ibinahagi sa akin ang tungkol sa King’s Herbal, eh bakit ko naman tatanggihan ang pagsubok nito?

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038. Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

vuukle comment

ATING

INSP STA

MARIA

PARA

STA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with