^

PSN Opinyon

Binay vs. Alan Peter

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SIMULA na ang “battle royale” ng mga pumupustura sa 2016. Sabi ng barbero kong si Mang Gustin, takot kaya si VP Binay kay Sen. Alan Peter Cayetano?”

“Bakit?” ang tanong ko. Sagot ni Gustin “Kasi nang simulang siyasatin ng Senado ang umano’y overpriced carpark na may halagang P2.7 bilyon sa Makati, nanga-ngapa ng sagot sa mga katanungan si Mayor Junjun Binay.”

Tapos aniya, bumuwelta naman ang mga kabarkadang abogado ni Rep. Abby Binay na nagsampa ng graft case laban kay Sen. Cayetano at asawang si Taguig Mayor Lani kaugnay ng anila’y overpriced na 18 multicabs na binili sa halagang P9 milyon.” Mukha daw buwelta ito  sa pagsisiyasat kina VP Binay at anak na si Mayor Binay dahil itinapat sa araw ng pagsisimula ng hearing sa Senado.

Sa Senate Blue Ribbon committee,  imbes na daw sagutin ni Mayor Binay ang alegasyon, tinuran niya ang COA report na umano’y maling paggamit ni Cayetano sa pondo ng PDAF kasama ang paghirang ng mga “ghost employees” at pagbili ng overpriced na mga sasakyan. At nang si Sen. Trillanes daw ang nagpanukala ng pagbusisi sa overpriced carpark sa Makati, ang tugon ni Sen. Nancy Binay ay “dapat ding busisiin ang iregularidad sa Taguig”.

Tingin ko, ito’y isang planadong estratehiya para sa 2016 presidential polls na dito’y parehong may balak tumakbo sina Binay at Cayetano. Sabi mismo ni Cayetano, dapat ay sumagot si VP Binay at kanyang mga anak nang diretso sa mga alegasyon kung malinis ang kanilang konsensya.

Nang sumulpot ang report ng COA noong 2012 COA report tungkol sa isyu sa  Taguig agad tumindig si Cayetano sa Senado upang linawin at pabulaanan ang usapin, punto-por-punto. Aniya, walang ano mang ghost employees na tinuran sa COA report bagkus,  sinabi sa report na “all employees are accounted for with either biometric or manual time-cards”.

Sa isyu naman ng umano’y overpriced mini-ambulan-ces at emergency vehicles, ganito ang paliwanag ng Taguig local government”

Ang P498, 000 ay tunay na halaga ng mga bagong  multi-cab na kailangan bilang mga mini-ambulance na tumutugon sa mga kasong pang-emergency. Kapag brand new nga naman, matitibay ang mga ito at maaasahan.

Bukod diyan, ang mga ito ay may medical equipment tulad ng mga flat bed, oxygen tank, at iba pang state-of-the-art equipment. Wala umanong nakasaad sa COA report na ang mga ito’y pinresyuhan ng napakataas.

Bahala na ang taumbayan ang magsuri.

vuukle comment

ABBY BINAY

ALAN PETER CAYETANO

BINAY

CAYETANO

MAKATI

MAYOR BINAY

SENADO

TAGUIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with