^

PSN Opinyon

‘Pinagduduldulang Economic Cha-cha’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MARAMING mga kongresista ang nagsasabi at naniniwala na Charter Change ang sagot para gumanda ang ekonomiya ng bansa.

Ito ay sa pamamagitan ng pagpapalit ng ilang mga probinsyon sa Saligang Batas partikular sa economic provision o mga batas na may kinalaman sa ekonomiya.

Ibig sabihin, sakaling mapagtibay ang isinusulong na cha-cha, sinumang mga multi-nasyunal na negosyante, maaari nang pumasok at mamuhunan dahil insentibo na ang pagkakaroon ng ownership right.

Ito ‘yung pagbibigay-karapatan sa mga dayuhang imbestor na bumili ng lupang pagtatayuan ng kanilang mga negosyo sa bansa.

Sa ganitong paraan, inaakala ng ilang mga mambabatas na magdadagsaan na ang mga negosyante at gaganda na ang ekonomiya.

Dalawang bagay lang kung bakit pilit pinagduduldulan ang cha-cha. Una, para sa mga mangingikil, pangalawa, para sa mga manunuhol.

Mayroong mga bansa na magaganda, malalaki at mauunlad na talagang interesado depende sa kultura ng korupsyon.

Wala silang pakialam kung may problema ang kanilang bansang pupuntahan sa sektor ng enerhiya, patay-sindi ang elektrisidad at walang katiyakan; lumalalang problema sa transportasyon na makakaapekto sa komersiyo; mahigpit ang pagbibigay ng mga insentibo at tax holiday perks; tumataas ang bilang ng kriminalidad at walang katiyakang seguridad; katiwalian sa gobyerno at korupsyon ng mga namumuno simula palang sa pagbibigay ng mga permit at pagpo-proseso ng mga dokumento.

Ito ang mga dayuhang negosyante na ang tanging habol lang ay magkaroon ng right to own land kesahodang maraming negatibong aspeto na kailangang isaalang-alang sa pagnenegosyo.

Ang lohika nila, kung katiwalian ang pag-uusapan na hindi mawawala ang pangingikil at panunuhol, kaya nilang makipagsabayan at makiayon sa lengguwahe ng korupsyon.

Naniniwala ang BITAG Live at sumasang-ayon sa ilang mga kumu-kontrang kongresista na hindi cha-cha ang sagot para gumanda ang ekonomiya.

Kung mayroon mang mga dapat iprayoridad, solusyunan at ayusin, ito ay ang mga problema sa bansa.

Kapag maayos na ang sektor ng enerhiya, transportasyon, seguridad, pagbibigay ng mga insentibo at mawawala ang kilos-pagong, katiwalian at korupsyon sa gobyerno, walang dudang magdadagsaan ang mga dayuhang mamumuhunan sa Pilipinas.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

 

vuukle comment

ABANGAN

CHA

CHARTER CHANGE

DALAWANG

IBIG

KAPAG

SALIGANG BATAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with