^

PSN Opinyon

Nag-drawing si Abaya?

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

SABI ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, imbes na matuwa ang madlang people sa ginawang pagsakay ni DOTC Secretary Jun Abaya sa MRT the other day lalong marami ang nabuwisit?

Bakit?

Sagot - parang shooting sa pelikula ang nangyari kay Abaya ng sumakay ito ng bagoong este mali bagon pala. Marami ang nagtaasan ang kilay kasi raw dapat 7am o rush hour sumakay ng MRT si Secretary para maranasan at maramdaman niya ang kalbaryong dinadanas everyday ng riding public na tumatangkilik sa lukbong tren.

Ika nga, pang 2016 ang dating?

Buti nga, hindi pa kumanta si Jun? Hehehe!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sala sa init, sala sa lamig kapag kumilos si Abaya tiyak maraming masasabi ang madlang people pabor man o kontra sa kanya.

Kaya tuloy abangan ang 2016...Hehehe!

BOC namigay ng laptop sa DepEd

 

NATUTUWA ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa mala-bayaning hakbang na ginawa ang Bureau of Customs dahil nagpa-agaw este mali nagpamigay pala ito ng mgay 4,000 laptop para sa Department of Education.

Sa pangyayaring ito tiyak ang mga kuwago ng ORA MISMO, na happy ang mga gurong tatanggap ng  teapot este mali laptop pala.

Ika nga, hi-tech na ang dating nila!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sana ang mga misdeclared shipment na nahuhuli ng BOC ay ipamigay na lamang at huwag ng ipasubasta tutal wala naman puhunan ang gobierno sa nahuling epektos.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may raket pa rin umiiral sa bureau kapag nagkaroon ng subastahan blues regarding sa smuggled shipments?

‘Paano iyon?’ tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

‘Sa mga smuggler pa rin ito napupunta dahil sila rin ang titira sa turo ng mga kamoteng taga - customs kung anong gagawin kapag ang epektos ay for redemption or auction.’

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga bugok kasi sa bureau ay matatalas ang utak pagdating sa usapin ‘salapi’.  Ang mga ito ang nagsisilbing teacher dahil sila ang magtuturo kung paano makakaiwas sa pagbabayad ng tamang buwis, puede rin silang doktor dahil sila ang gagamot kapag ang epektos ay nahuli at lalo na sila rin ang aabogado para rito kaya tuloy ang gobierno ay tulala sa pagkilos ng mga bugok ? Hehehe !

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Kambiyo issue, balik laptop tayo para malaman ng madlang public ang bagong mga gadget na tinanggap ng DepED ay malaking tulong para sa mga guro dahil gagamitin nila ang hi-tech instrument para sa non-formal classroom setting.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, karamihan sa mga hi-tech gadget ay para sa Abot - Alam Program ng DepEd na nakatutok sa education ng mga out of school youth partikular sa mga malalayong provinces at liblib na lugar para ituro sa gustong matuto ang paggamit ng computer.

Tanong - sa paggagamitan ba ng computer may kuryente doon?

Kamote, iyan ang itanong mo sa kanila?

‘Kung walang kuryente sa lugar puede rin naman magpa-sponsor sa mga mayayaman at malalaking kumpanya na magbigay ng solar power sa kanilang lugar!’

Abangan.

vuukle comment

ABAYA

ALAM PROGRAM

HEHEHE

KUWAGO

MISMO

ORA

PARA

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with