^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Nadidiskaril na train system

Pilipino Star Ngayon

ANG train ang pinakamahusay na pampublikong transport system. Sa ibang bansa, ang train ang numero unong sakayan ng mamamayan. Halimbawa’y sa Bangkok, Thailand, alagang-alaga ang kanilang mga train at pinananatiling bago. Nasa oras ang pag-alis at pagdating ng train kaya maayos ang pagsakay at pagbaba ng mga pasahero. Hindi nagsisiksikan dahil napakaraming bumibiyaheng train.

Kabaliktaran naman nang nangyayari sa bansa kung saan ay tila nakakaligtaan at hindi binibigyang prayoridad ang kahalagahan ng train. Sa bigat ng trapikong nararanasan sa Metro Manila, wala na talagang ibang paraan kundi ang pagandahin, ayusin at gawing moderno ang train system. May sarili nang kalsada o riles ang mga train kaya hindi na mahihirapan pang magtayo nito. Ang pagsasaayos na lamang ang tanging kailangan. Bakit hindi paglaanan ng pondo ang modernisasyon ng mga train.

Kapansin-pansin ang pagdami ng pasahero na sumasakay sa train ng Philippine National Railways (PNR). Umaapaw na ang mga pasahero ngayon na hindi katulad sa mga nakaraang taon. Ayon sa PNR, umaabot sa 60,000 hanggang 70,000 ang pasaherong sumasakay sa train araw-araw. Kung noon ay tila nawalan ng gana ang mga pasahero, ngayon ay dinudumog na ng mga tao. Isang dahilan ay sapagkat nasa oras ang pagdating ng train ng PNR. Hindi natatrapik gaya ng mga bus sa EDSA.

Subalit nangangailangan na nang pagre-repair ang mga train ng PNR sapagkat nadidiskaril na o nawawala na sa riles ang gulong. Gaya nang nangyari noong Lunes kung saan, nawala o lumabas sa riles ang gulong habang nasa Sta. Mesa. Naging dahilan para ilipat ang mga pasahero sa ibang train. Nagkaroon umano ng misalignment  ang gulong kaya nawala sa track.

Ang aberyang nangyari sa PNR train ay walang ipinagkaiba sa nangyayari ngayon sa Metro Rail Transit. Noong Sabado nagkaaberya muli ang MRT. Nagkaroon umano ng communication system glitch. Bago iyon, ilan pang aberya ang nangyari na ang pinakamatindi ay noong Agosto 13 kung saan binangga ang barrier sa EDSA-Taft Station na ikinasugat nang mahigit 30 pasahero.

Kailangan ang pagbabago sa train system. Pagbuhusan sana ito ng atensiyon ng pamahalaan. Ito ang sagot sa nararanasang trapik sa Metro Manila.

vuukle comment

AGOSTO

AYON

METRO MANILA

METRO RAIL TRANSIT

NAGKAROON

NOONG SABADO

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS

TAFT STATION

TRAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with