^

PSN Opinyon

Patuloy pa rin ang China

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

DAHIL sa dami ng mga isyu ngayon tulad ng pork barrel scam, DAP, pangalawang termino ni President Aquino, paghuli kay Palparan, pati na mga ubod ng mahal na gusali, cake at ambulansiya, medyo nawawala sa isip ng mamamayan ang patuloy na pagkilos ng China sa mga teritoryong malinaw na bahagi ng Pilipinas. Patuloy ang kanilang pagpapadala ng kanilang mga barko sa mga lugar na palapit nang palapit na sa bansa. Kulang na lang yata ay angkinin na rin ang Palawan!

Kailan lamang ay pumasok ang ilang barkong pananaliksik ng China sa Recto Bank na siyang binatikos ng gobyerno. Mismo si Aquino ang pumuna na ano pa ba ang gagawin nila doon kundi alamin kung gaano karami ang likas na kayamanan? Ang Recto Bank ay malinaw na nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng bansa. Ang nasabing lugar ay hindi isla kundi nakalubog na bahaging isla ng Palawan. Tinatayang 85 milya lamang ang layo mula sa Palawan samantalang higit 500 milya ang layo sa isla ng Hainan! Kung paano mapapaliwanag ng China na sa kanila ang lugar na ito ay kalokohan talaga.

Sa totoo lang ay ilang buwan nang nagpapadala ng mga barko ang China sa iba’t ibang lugar sa West Philippine Sea, na tila pinatitibay na ang kanilang pag-aangkin sa buong karagatan. Kahit nagsalita na ang US, Australia, Japan at mga bansa sa European Union na itigil ng China ang kanilang pag-aangkin sa karagatan at idaan sa maayos at legal na proseso ang pagtatalo ay patuloy pa rin silang nagpapadala ng mga barko sa lugar. Ang masakit ay hindi natin matapatan sa karagatan dahil kulang na kulang pa ang ating mga kagamitan.

Patuloy na isusulong ng bansa ang ating reklamo sa United Nations bukod sa paghanap ng mapayapa at diplomatikong solusyon sa problema. Ayon kay dating President Fidel Ramos, tama ang ginagawa ng administrasyong Aquino hinggil sa problemang ito. Pero ganito rin ba ang gagawin ng higanteng bansa? May pakialam ba sila? Wala na nga silang ginawa kundi paramihin ang kanilang mga barko sa dagat. Kilos na hindi natin matapatan.

vuukle comment

ANG RECTO BANK

AQUINO

EUROPEAN UNION

EXCLUSIVE ECONOMIC ZONE

PALAWAN

PATULOY

PRESIDENT AQUINO

PRESIDENT FIDEL RAMOS

RECTO BANK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with