^

PSN Opinyon

Bakit mukhang sutil si PNoynoy sa kaniyang mga boss?

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

IBINULONG ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na talaga yatang mahirap kung ikaw ay nasa “bahay ni kuya” este mali sa poder pala sa Malacañang.

 Sabi ng mga asset ng mgakuwago ng ORA MISMO, Tignan mo itong ilang matataas na opisyal natin. Nakatapak lang sa palasyo, para na rin silang mga small bossing.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malinaw na nasabi ni  PNoynoy  na ang kaniyang mga boss ay ang madlang people sa Philippines my Philippines.

 Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kailan lang nabanggit lang ni PNoynoy na bukas na siya sa  pag-amyenda ng ating Saligang Batas baka kunsultahin niya ang madlang Pinoy kung gusto pa nila siya bilang lider?

‘ayaw!’ sabi ng mga urot.

 Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nataranta ang kanyang mga alipores kaya tira kaagad kaliwa’t kanan ang mga sipsip na kaalyado, inihanda agad ang “extension” ng pamumuno ni Pnoynoy.

 Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, umamin pa mismo si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na siya ang pasimuno nito.

Kaya tuloy, para bang umaamin na si Sec Mar na talagang hindi niya kayang manalo sa 2016 Presidential erection este mali election pala at kung  iba lang ang tatakbo ‘wag na lang.

 Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa nangyari banat kaagad kay Vice President Jejomar Binay halungkat agad ng mga dumi sa Makati at sa Senado mismo inilatag.

 Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil hataw na sila , nagsalita naman si Senate President Franklin Drilon  at sinabihan ang pangulo na kailangan mamili kung sino kina Agricultre Secretary Proceso Alcala o Ka Kiko Pangilinan, ang bagong kalihim ng kaininan, ang dapat matira sa poder.

 Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  pati mga piling-tao ng PNoynoy sa Gabinete gusto nang pakialam  ng ating  ginagalang na senador ? 

‘Alam naman ng lahat na si Alcala ay malapit kay PNoynoy, kaya lang  mainit sa ilang mga smuggler este mali mga negosyante  pala kaya tuloy  kaliwa’t kanan ang bugbog ni Procy na nasagaan nito.

 Si Ka Kiko naman, gusto lang talagang tulungan ng PNoynoy para makaluwag-luwag naman ang kaniyang galaw sa kaniyang pagbabalik sa pulitika.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, napabalita pa  na hindi na lang pagbabalik sa senado ang  plano  ni Ka Kiko, kundi  nangangarap nang maging  bise presidente?

Inay ko poh!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kaya ngayon maraming haka-hakang lumabas. Dahil buko na raw ang DAP, baka raw gusto nang Liberal party na kopongin ang pondo ng iba’t - ibang malalaking ahensiya ng pamahalaan kasama ang DA.

‘O baka naman si Drilon mismo ang nag-iisip na tumakbo bilang vice president, kaya gusto niyang maibartolina na lang si Kiko sa DA ?’ sabi ng kuwagong ginagago.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naniniwala sila na may “mafia” diyan sa gobierno na kayang ipitin ang iyong pondo kapag hindi ka nila kursunada. Kaya nagmumukhang basing-sisiw ang ilang people sa Cabinet, kung hindi ka nila kursunada.

‘Hindi ko lang alam kung okay si Roxas sa kanila. Ang alam ko malakas si Drilon sa grupong ‘yan. Hayop 10 talaga !’ sabi ng kuwagong urot.

Ang problema nito deadma si PNoynoy. Hindi naman daw  napapag-usapan ang mga ito sa LP at lalo na sa Kongreso. Kaya naman hindi nakakapagtaka  kung bakit napipikon ang ilang mga mambabatas dahil si PNoynoy na mismo ang naiipit sa harap ng madlang pinoy.

Ang pinagtataka ko lang kung ito  ba ay dahil gusto lang nilang sumipsip kay  PNoynoy kaya’t pinangunahan na nila. Baka naman talagang lasing na lasing na sila sa kapangyarihan at nakalimutan nila na ang pangulo ay minsang nangako sa madlang people  na sila ang kaniyang mga boss?

‘Gulung-gulo na rin ang mga Kamote. Natanong tuloy nila,  “Sino ba talaga ang boss n’yo Mr. President?”

Kawawang PNoynoy,siya tuloy ang naiipit sa kaniyang mga tunay na boss!

Abangan.                                                                                                                       

vuukle comment

ASSET

AYON

KUWAGO

LANG

MISMO

ORA

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with