^

PSN Opinyon

EDITORYAL - H’wag isantabi ang FOI bill

Pilipino Star Ngayon

SA loob ng isang oras at 40 minutong talumpati ni President Noynoy Aquino sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) noong Lunes, wala man lang siyang nabanggit ukol sa Freedom of Information (FOI) bill. Sinadya kaya niyang huwag bumanggit ng ukol dito o nakalimutan lang. Baka naman kusang idinelete dahil sobrang haba na ng talumpati. Marami siyang sinabing accomplishment at maraming pinuring Cabinet members, pero wala man lang nasabi kahit isang salita sa FOI bill.

Maaaring hindi na maipasa ang FOI bill sapagkat matatabunan na naman ito ng iba pang pagkakaabalahan ng Presidente. Hanggang sa bumaba siya sa June 30, 2016 ay wala ring nangyari sa FOI bill. Ang kanyang ipinangako noong nangangampanya pa lamang na maisasabatas kaagad ang FOI bill ay hindi niya tinupad. Lumipas ang apat na taon at hindi na niya ito prayoridad.

Mayroong 26 na priority bills ang Malacañang at ang FOI bill ay nasa ika-18. Ibig sabihin, hindi nga prayoridad ni P-Noy ang FOI bill. Kung mayroon siyang isang salita at marunong tumupad sa pina-ngako, dapat unahin niya itong lagdaan sapagkat 20 taon nang nakabinbin ang panukala. Hindi na niya dapat pang pagtagalin o ibitin-bitin pa ang FOI bill.

Lubhang mahalaga ang FOI bill sapagkat maaari nang makakuha ng inpormasyon ang mamamayan ukol sa mga transaksiyon na pinasok ng gobyerno. Lahat ng mga detalye ay malalaman. Bukod dito, maaari na ring mabulatlat ng mamamayan ang Statement of Assets and Liabilites and Networth (SALN) ng public officials. Wala nang maitatago sa mamamayan.

Nakasaad sa Sec. 28 Article II at Sec. 7 Article III ng 1987 Constitution na may karapatan ang mamamayan na mabatid ang lahat nang patakaran, proyekto at programa ng gobyerno kung saan sangkot ang pondo ng bayan. Bilang taxpayers, karapatang mabatid ng mamamayan kung saan napupunta ang kanilang ibinabayad.

Kung naipasa na noon pa ang FOI bill, hindi malilikha ang mga halimaw na PDAF at DAP. Hindi dapat isantabi ang FOI bill.

 

vuukle comment

BILANG

BILL

BUKOD

FOI

FREEDOM OF INFORMATION

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

STATE OF THE NATION ADDRESS

STATEMENT OF ASSETS AND LIABILITES AND NETWORTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with