^

PSN Opinyon

Si Wanna (Juana) Change

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

DAPAT suportahan si Presidente Aquino sa kanyang mabubuting programang pang-reporma. At ang pinaka-mabisang suportang maibibigay sa kanya ay punahin kung saan nagkakamali ang administrasyon. Kung walang pupuna, paano magiging maayos ang takbo ng pamahalaan? Dapat lamang ihiwalay at kilalanin yung mga punang paninira at mga punang may layuning sumuporta sa pagsusulong ng reporma.

Si Wanna Change ay bantog bilang simbolo ng pakikipaglaban at adbokasya ng bansa para magkaroon ng reporma. Sagisag siya ng adbokasya ng pamahalaan para sa kalayaan, katarungan at mabuting pamahalaan.

Isa si Wanna Change sa mga masugid na sumuporta kay Presidente Aquino para maluklok sa puwesto. Kaya nang kinapanayamin siya sa TV matapos ang SONA ni P-Noy, masama ang loob niya sa pahayag ng Pangulo na ang lahat ng bumabatikos sa kanya ay kalaban ng bawat Pilipinong ang hangad ay reporma. Si Wanna Change ay kabilang sa mga militanteng sektor na nag-aalab ang pagtuligsa sa pork barrel scandal pati na sa usapin ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

Si Wanna Change ay hindi iisang tao. Nilikha siya ng ilang alagad ng sining na nag-isip ng konsepto sa pagpuna sa mga kapalpakan sa pamahalaan sa epektibo at nakatatawang paraan. Nauna siyang sumikat sa mga satirikong birada niya sa administrasyon mula pa noong panahon ni Presidente Gloria Arroyo na dinaraan sa mga nakatatawang situwasyon na ipinapaskel sa You Tube.

Kung ang tao ay hindi haharap sa salamin, hindi niya makikita ang dungis sa mukha. Iba-iba ang salamin. Kapag alon-alon ito, malamang distorted ang makikita mong anyo mo. Ganyan ang mga naninira na ang dahilan ay pulitika.

Ngunit mayroon ding salamin na plantsado at ang ipinakikitang imahe ay ang iyong tunay na anyo. Kung may dungis ka sa mukha, makikita mo ito at agad mapupunasan.

Ganyan din ang layunin ng mga lehitimong puna o tuligsa na dapat nating pasalamatan sa halip na kasuklaman.

vuukle comment

DAPAT

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

GANYAN

ISA

PRESIDENTE AQUINO

PRESIDENTE GLORIA ARROYO

SI WANNA CHANGE

WANNA CHANGE

YOU TUBE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with