^

PSN Opinyon

Intel community nabulabog sa RAN

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

IBINULONG ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na hindi mapakali ang intelligence community dahil sa napabalitang pulong sa isang resto dyan sa Ermita para isakatuparan diumano ang Resigned Aquino Now o RAN last Saturday evening?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayaw sanang patulan ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang balita dahil alam nilang walang mangyayari sa ginagawang pagbabanta para patalsikin sa Malacañang si P. Noy pero mas mainam na raw na malaman ito ng madlang people na may namumuong pag-aaklas laban sa liderato ng palasyo. Hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isa raw information ang nakuha sa ginawang pagpupulong pero nagtataka ang mga ito kung bakit pinabubusisi kung sinu-sino ang mga dumalo sa usapan.

‘Ganyan talaga ang intel networking magulo hangga’t hindi pa kumpirmado ay ginagapang nila ito kung totoo ang mga nabalitaan o nakuha nilang impormasyon para nga naman magkaroon ng panibagong pondo ang kanilang mga unit?’ sabi ng kuwagong pakaang-kaang.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, totoong may pagpupulong na nangyari sa isang resto pero hindi rin nila alam kung ang tsimis ay tungkol sa pagpapatalsik kay P. Noy o ang napag-usapan ay kung masarap ba ang fried chicken na kinain nila dito? Hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, itinanggi ng mga bright people ang tungkol sa pagpapatalsik kay P. Noy dahil kathang isip lamang ang mga naglalabasan balita.

Ohhhhhhh!

Totoo kaya?

Abangan.

 

Subasta sa CCTV, command center sa NAIA 1, 2, 4

SA Agosto 15, 2014, nakatakda ang subastahan blues ng multi-million peso CCTV at command center sa tatlong terminal ng Ninoy Aquino International Airport para sa security purposes dito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi lang isa o dalawang beses iniliban ang bidding sa mga nasabing gadgets kaya umaasa ang mga nagsisilang mga bidder na matutuloy na ito sa Aug. 15.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi bababa sa 30 bidders ang sasali sa subasta at siguradong magpapagandahan ito ng kanilang mga produkto para magamit sa security measures ng tatlong terminal sa NAIA.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tiyak bagsakan ng presyo ang mga kumpanyang sasali sa subastahan para maglaban-laban dito.

Sabi nga, ang pinakamagaling at murang produkto ang dapat manalo sa subasta.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dehins diumano kasali ang mga China hardware sa su­bastahan gagawin.

Ika nga, mga gadget from Korea, Israel, US of A, Japan echetera ang kasamang paglalaban-labanan dito.

‘Baka naman magkalutuan pa?’ tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

‘Malamang hindi dahil masusi itong pinag-aralan.’

Abangan.

 

vuukle comment

ABANGAN

ASSET

AYON

HEHEHE

KUWAGO

MISMO

ORA

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with