^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Tama ba ang sinabi ng DPWH?

Pilipino Star Ngayon

KAHAPON diniliber ni President Noynoy Aquino ang kanyang ika-limang State of the Nation Address (SONA). Umabot ng 1 oras at 45 minuto ang kanyang talumpati. Masigabo ang palakpakan ng mga mambabatas at panauhin na para bang pinag-usapan kung paano ang paraan ng gagawing pagpalakpak sa gitna ng talumpati ng Presidente.

Bagamat wala namang gaanong “bago” sa mga iniulat ng Presidente sapagkat pawang pinuri la­mang niya ang mga nagawa ng kanyang Gabinete at bumanggit ng ilan ukol sa DAP, ang masyadong nabigyan ng pagpapahalaga ay ang Department of Public Works and Highways (DPWH). Pinuri ni P-Noy si DPWH Sec. Rogelio Singson dahil sa maraming kalsada na nagawa umano sa loob ng apat na taong pamumuno. Ayon sa kanya, nasa 12,000 kilometro ng kalsada ang nagawa ng DPWH. Ikinum-para ang haba ng kalsada mula Laoag hanggang Zamboanga. At ito raw ay national roads pa lang. Aba nakakahanga nga ang haba ng kalsadang nagawa kung ganoon.

Pero may katotohanan kaya ang lahat nang ito? Itong mga sinabi ni P-Noy ay siyempre galing mismo sa DPWH. Kung ano ang sabihin ng DPWH, iyon ang sasabihin ni P-Noy sa kanyang SONA. Sabi kasi ng Presidente,

“Iniisip ko kung paano ko ipapaliwanag yung 12,184 kilometers. Ang sabi sa akin, katumbas ng apat na kalsa-dang nag-uugnay mula Laoag hanggang Zamboanga…”

Iyon daw ang sabi sa kanya ng DPWH. Ibig sabihin hindi niya nakita ang mga ginawang kalsada. Katulad din ito nang sinabi ni P-Noy noong nakaraang taon na wala na raw mararanasang kakulangan sa classrooms pero nang mag-umpisa ang school year, kulang pa rin ang mga silid aralan at maraming nagdaos ng klase sa lobby o pasilyo na ang mga kawa-wang estudyante ay nakasalampak sa semento.

Sabi pa ng Presidente ukol sa DPWH, “Lampas doble na ang budget ng imprastraktura. Mula 200.3 billion nung 2011, naging 412.3 billion ngayong 2014.” At dinagdag pa, “Dahil dito, halos P28 billion ang naisalbang pondo, para gamitin sa mga susunod na proyekto.”

Pero ano itong sinabi ni Singson na hindi na raw itutuloy ang mga flood control project dahil wala nang pondo. Hindi ito tumutugma sa sinabi ni P-Noy sa SONA. Tama ba ang mga sinabi ng DPWH kay Presidente?

vuukle comment

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

DPWH

LAOAG

P-NOY

PERO

ROGELIO SINGSON

SABI

STATE OF THE NATION ADDRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with