^

PSN Opinyon

May pag-asa ba sa SONA?

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KAHIT marami ang nagdududa kung positibo o hindi ang diskurso ni Presidente Noynoy ngayon sa kanyang State of the Nation Address (SONA), marami pa rin ang umaasa na sasagutin na nito ang problema ng kahirapan.

Oo naman! Kung kabilang ka sa mga pinakamahirap sa mga mahihirap, patuloy kang aasa dahil sino pa ba ang masasandalan sa mga panahong ito kundi ang leader? Sabi nga ng Kano: Hope springs eternal.

Wala tayong ibang Presidente kundi si P-Noy. Maliban kung mapatalsik siya sa isang rebolusyon o kudeta, patuloy tayong aasa sa kanya gaano man katindi ang mga upak sa kanya sa mga kapalpakang nangyayari sa gobyerno.

Ngayon pa lang ay may warning na ang kapulisan sa mga militanteng nagbabalak manggulo sa SONA na sila’y darakpin kapag nanggulo sa okasyong ito. Sabi ng Philippine Star, malamang i-endorso na ng Pangulo ang Freedom of Information bill (FOI) sa kanyang SONA.

Ito’y isang isyung lagi niyang iniiwasan noon. Iniisip ng marami na iwas-pusoy dito ang Pangulo dahil magkakaroon ng access ang sambayanan, partikular ang media sa mga transaksyones ng pamahalaan.  Sa sandaling maging batas ito, makapagmamatyag na ang taumbayan at mapipigilan ang mga katiwaliang binabalak ng ilang ugok na opisyales.

Naniniwala akong malamang ngang mangyari ito para mayroong pogi point ang Pangulo sa harap ng inaasahang batikos sa kanyang SONA. May mind set na kasi ang taumbayan na ang pagtutuunang pansin ng Pangulo sa kanyang SONA ay ang pagdepensa sa kanyang Disbursement Acceleration Program (DAP) na iuugnay niya sa mga programang matagumpay na naisakatuparann ng pamahalaan.

Wise decision kung ihahayag ang pagpapatibay sa FOI dahil matutuwa ang media. At kapag natuwa ang media, malamang lumambot ang mga tuligsa sa Pangulo.

Para sa akin, ano man ang rason sa pag-endorso sa FOI, tatanggapin ko. Ang mahalaga ay maaprobahan na at maging batas ito. Pero ang pupurihin ko lang ay ang pag-endorso sa FOI at kung may mga kabatibatikos na laman ang kanyang SONA, pupunahin ko pa rin ito. Wika nga, give credit where credit is due.

vuukle comment

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

FREEDOM OF INFORMATION

INIISIP

PANGULO

PHILIPPINE STAR

PRESIDENTE NOYNOY

SABI

STATE OF THE NATION ADDRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with