^

PSN Opinyon

DAP ni P-Noy

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NOONG Huwebes nangasim ang mga sikmura ng televiewers sa isinagawang Senate hearing ukol sa ligalidad ng Disbursement Acceleration Program ni Pres. Noynoy Aquino.  Kasi nga halos hindi na naalalang mananghalian ang viewers sa  pagsubaybay ng teleseryeng pinagbidahan ni Department of Budget and Management secretary Florencio “Butch” Abad na nagpahintulot ng paglabas ng pondo sa mga special project ni P-Noy na itinuring ng Supreme Court na malaking tulong sa sambayanan Pinoy subalit ilegal. Hehehe! Naging All Star Cast ang paggiling ng  teleserye sa Senado dahil dumalo ang halos lahat ng Cabinet  ni P-Noy kaya  naunsyame at nagmistulang tagapagtangol pa ang mga kontrabidang taga-usig na senador ng bayan. Mukhang nabahag ang mga buntot ng mga senador sa pagtatanong kay Abad dahil baka pati ang kanilang budget ay matapyas katulad sa kahahantungan ng Supreme Court. Ngunit hindi lahat ay natakot sa bantang ito dahil kahit papaano’y may naglakas ng loob na uriratin si Abad sa proyektong pinondohan. Diyan tumaas ang kilay ng televiewers kina Sen. JV Ejercito at Nancy Binay nang halukayin ng mga ito kung saan kinuha ang pondo ng DAP. Ngunit magaling ang script ng teleserye dahil lahat ng katanungan na ipinukol nina Ejercito at Binay ay nabutata este nasagot ng mga Department secretary na nasa tabi ni Abad kaya sa unang shooting este hearing­ ay bulagta na agad ang pag-usisa sa mga proyekto. Kaya ang aking mga kausap sa Manila Police District ay nawalan ng gana sa panonood ng moro-morong tele­serye.  Maging ang parking allocation ng media vehicles sa MPD heaquarters ay pinalis ni MPD director CSupt. Rolando Asuncion. Hehehe! Ngunit huwag silang pasisiguro sa mga susunod na eksena dahil mukhang nakakuha ng audience sina Ejercito at Binay  sa hanay ng mga militante na nagsusumigaw sa labas ng Senado sa reclamation area, Pasay City.

Dahil ayon sa aking mga kausap dadalhin nila ito sa Ombudsman at Sandiganbayan upang mapanagot sa DAP. Ang masakit mukhang matitingga ang mga proyektong pinondohan ng DAP sa hinaharap dahil nga illegal ang turing ng SC. At lalabas na ang kawawa rito ay ang taumbayan at ang luluha ng bato ay ang mga kontratista na hindi mababayaran sa proyekto. Ngunit sa tingin ng aking mga kausap sa MPD lusaw na este tapos na ang mga project ng DAP bago man sumingaw ang alingasngas. Na ang paghahandaan na lamang ng mga author ng DAP ay ang pagbusisi ng Commission on Audit sa mga pinondohang proyekto.

Dahil kahit papaano may masisilip na butas dito ang taumbayan. Tama lamang na magkaroon ng programa ang pamahalaan sa taumbayan dahil matagal na silang pinaglaway ng mga nagdaang pangulo ng bansa. Kaya kung matuwid ang DAP ni P-Noy dapat lamang na ilabas ang mga pruweba. Di ba mga suki?

vuukle comment

ABAD

BINAY

DAHIL

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

EJERCITO

NGUNIT

P-NOY

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with