^

PSN Opinyon

‘Bilyones na DAP sa PNP’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

KUNG pag-uusapan ang kriminalidad, nagkakaroon ng kalituhan ang Philippine National Police (PNP) na kaya daw tumaas ang krimen sa bansa ay dahil maayos na ang kanilang reporting system.

 Bago na daw kasi ang kanilang sistema o ang blotter system at naturuan na ang mga opisyal sa bawat presinto kung papaano ipasok ang sumbong ng mga biktima.

 Nitong nakaraang araw, kinumpirma mismo ng Department of Budget and Management (DBM) na nabigyan ng P3.24 bilyones na pondo ang PNP mula sa kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP).

 Tinalakay ko ito sa aking programa sa telebisyon at radyo hindi para alamin kung saan napunta at kung papaano winaldas ang pondo. Ang punto dito, kung mayroon sanang ganito kalaking halagang ibinigay ang DBM sa PNP, nakapagpatayo na sana ng crime prevention infrastructure o central communication system.

 Magmumukha na akong sirang plaka sa paulit-ulit na pagpapaliwanag sa bagay na ito. Pero sinasadya ko talagang idikdik ang punto ko dahil napakahalaga nito sa isang bansa. Ito ‘yung national emergency number na maaaring tawagan ng mga mamamayan. Sa bansang Amerika, ito ‘yung 911 o 117 naman sa Pilipinas.

 Lahat ng mga responde, namo-monitor ng mga alagad ng batas. Naka-hook up ito sa headquarters ng pulis o sa atin sa National Capital Region Police Office (NCRPO) patungo sa mga tactical operations center (TOC) sa bawat distrito kung saan namomonitor rin ng bawat istasyon ng presinto ang bawat tawag at sumbong.

 Ang mga nagroronda namang mga patrol car, naririnig sa kanilang mga 2-way radio at nakikita sa kanilang mga computer kung saan ang eksaktong lokasyon ng reporting party o kung saan nagaganap ang krimen. Subalit, sa ganitong set-up dapat may maayos munang linya ng komunikasyon kung saan madaling makatawag si Juan Dela Cruz na nanga­ngailangan ng responde at saklolo.

Hindi na kinakailangan pang mag-load. Sa madaling sabi, mayroong maayos na ugnayan na ang pamahalaan sa mga telecommunications company. Ang problema, kahit na mayroon pang maayos na linya ng komunikasyon kung mismong ang Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na nangangasiwa sa PNP na ang nagsabi na walang pang-gasolina ang PNP, magiging inutil din ang central communication system.

Bukod dito. nobenta porsyento rin daw sa mga tumatawag sa 117 ay prank callers. Kaya hindi rin nila sini-seryoso ang mga tumatawag at humihingi ng saklolo. Maraming mga nagsasalitang mga senador at gabinete ng pamahalaan kung papaano palalakasin ang law enforcement sa bansa. May mga nagrerekomendang kinakailangan daw ng mga training at seminar na kailangang puntahan sa labas ng Pilipinas.

 Ang hindi nila nakikita at naaanalisa ay kung ano ang totoong kakulangan at problema. Kaya sa halip na crime prevention, ang nangyayari ay crime solution. At dahil sa tagal pa ng responde, “picking dead bodies” nalang ang mga alagad ng batas na laging huli sa eksena.

 Hindi layunin ng BITAG Live na gawing sentro ng kakatawanan ang DILG at ang PNP dito. Pinupuna ko lang ang mga kakulangan at mali sa implementasyon at sistema.

 Para lubos na maunawaan kung papaano ipinatutupad ng mga police patrol officer ang mga batas sa Amerika, log on, bitagtheoriginal.comclick “PINOY-US COPS.” Ito ang taon-taong idino-dokumento ngBITAG Team Ride Along sa  Estados Unidos.

 Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

vuukle comment

AMERIKA

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

ESTADOS UNIDOS

KUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with