^

PSN Opinyon

Tong collectors

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

GINAGASGAS ng tong collectors ang pangalan ni NCRPO chief Dir. Carmelo Valmoria hindi lang sa pasugalan at putahan sa Metro Manila kundi maging sa droga. Ewan ko lang kung alam niya ito.  Mula nang maupo si Valmoria sa NCRPO noong nakaraang taon, panay na  ang ikot ng tong collectors subalit hindi gumagawa ng hakbang si Valmoria para mahinto. Sinabi ng mga kausap ko sa MPD na binabalewala lang ni Valmoria ang mga balita ukol sa paggamit ng pangalan niya sa pasugalan, putahan at droga. Sa ngayon ang usap-usapan sa MPD ay mukhang nakikinabang si Valmoria sa pag-iikot ng tong collectors kung ang pagiging tahimik nito sa kalakaran ang gagawing halimbawa. Maaring tama ang mga kausap ko dahil sa tingin ko dapat sa kangkungan na naka-assign ang tong collectors kung walang nakarating sa bulsa ni Valmoria na pitsa galing sa pasugalan, putahan at droga. Hehehe! Sana hindi totoo ang bintang na ito kay Valmoria.

Sinabi ng mga kausap ko na ang patuloy na gumigiba ng pangalan ni Valmoria ay sina alyas Hika Llanado, Kapre Cruz, Boy Gago, Cris Retarded at Abnoy Espeleta. Ipinagmamalaki ng mga tong collector na ito na may basbas umano ni Valmoria sa illegal na gawain nila. Siyempre, kung ikaw ay gambling lord, financiers ng putahan at beerhouse at drug lord, aba maglalagak ka ng lingguhang intelihensiya sa kanila dahil sa bukambibig nila ang pa-ngalan ni Valmoria, di ba mga suki? At habang patuloy ang pananahimik ni Valmoria sa kalakaran nila, ibig sabihin n’yan talagang may go signal siya sa tong collection nila. Kapag hindi nagbigay ng padulas, tiyak raid ang aabutin sa mga tauhan ni Valmoria. Hehehe! Tahimik na ang tabakuhan kaya limpak-limpak na pitsa ang nakokolekta nitong mga bataan kuno ni Valmoria, di ba mga suki?

Kung sabagay, kanya-kanya ang lakad ng mga tong collectors sa ngayon sa NCRPO at alam ‘yan ni Gen. Allen Bantolo, ang deputy for operations ng NCRPO. Halos lahat na ‘ata ng operating unit ay may sariling tong collector at walang pakialam sa kanila si Valmoria. Nitong pag-upo lang ni Valmoria nagkagulo ang tabakuhan sa Metro Manila ayon sa mga kausap ko sa MPD. Sa totoo lang kasi mga suki, ang halos lahat ng assignment ni Valmoria ay sa abroad o sa mga administrative matters kaya hindi niya alam ang kalakaran sa pasugalan, putahan at droga. Kung hindi kay Valmoria dumidiretso ang pitsa galing sa tong collectors, kanino dumadaan ito? Sa ngayon, ang tropa ni Col. Olivar ng RPIOU na lang ang natitirang bumabanat sa mga pasugalan sa Metro Manila. Armado ng pre-ops si Olivar na pirmado ni Valmoria para walang semplang ang lakad nila. Kapag idinaan kasi ni Olivar sa ibang opisyal ang lakad, palaging sunog ang lakad nila, Abangan!

 

vuukle comment

ABNOY ESPELETA

ALLEN BANTOLO

BOY GAGO

CARMELO VALMORIA

CRIS RETARDED

METRO MANILA

OLIVAR

TONG

VALMORIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with